1 patay, 3 sugatan sa pagkahulog ng trak sa bangin sa Cagayan de Oro | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 patay, 3 sugatan sa pagkahulog ng trak sa bangin sa Cagayan de Oro

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang isang lalaki habang tatlo ang sugatan sa salpukan ng isang truck at tricycle sa Sayre Highway, Puerto, Cagayan de Oro, mag-aalas-9 Lunes ng gabi.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Police Regional Office 10, na matapos magkabanggaan ng dalawang sasakyan ay doon nahulog sa bangin ang truck.

Kinumpirma ni Police Brigadier General Jaysen De Guzman, Director ng Northern Mindanao PNP, na naisugod pa sa ospital ang lalaking biktima ngunit binawian rin siya ng buhay.

"Very unfortunate itong nangyari. Naghatid sila ng ating mga election paraphernalia sa may Cabanglasan area. Pagka-unload niya, pauwi na siya, at dito siya dumaan sa may Station 6 sa may Cagayan de Oro," sabi ni De Guzman.

ADVERTISEMENT

"Doon siya naaksidente, nawalan ng preno, kaya nalaglag siya. Nalaman lang din na ito ay naghatid [ng paraphernalia] kasi tinignan yung bag. Gabi kasi nangyari iyon, kagabi pa, nakita ko doon sa mga pictures na pinapadala may kumuha na ambulance, dito siya sa ospital idineklarang dead on arrival," dagdag niya.

Nagpapagaling naman sa ospital ang sugatang pasahero ng tricycle at ang dalawang lalaking sakay ng truck.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, naghatid ng mga ballot boxes at automated counting machines (ACMS) sa may Bukidnon ang truck at pauwi na sila nang mangyari ang insidente.

Dinala na sa Station 6 ng Cagayan De Oro City Police ang mga sasakyan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.