Mga kawatan na nambibiktima ng mga 'lasing' na dayuhan arestado sa Maynila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga kawatan na nambibiktima ng mga 'lasing' na dayuhan arestado sa Maynila

MAYNILA — Inaresto ng pulisya kamakailan ang dalawang umano'y miyembro ng Salisi Gang na nambibiktima ng mga dayuhan, ang ilan ay mga lasing, sa Maynila.

Modus umano ng mga suspek na suyurin ang red light districts ng Ermita at Malate sa Maynila maging sa Quezon City para mag-abang ng mabibiktimang foreign nationals, ayon kay Lt. Col. Alfonso Pilota Saligumba III, station commander ng Police Station 9.

Ani Saligumba, kapag may nakita na ang mga suspek na dayuhang "lasing na lasing na, intoxicated at hindi na kayang umuwi, nagpapanggap silang umalalay at tumulong."

"Kunwari kakilala and then after that paghatid nila doon sa resident, nanakawan," dagdag niya.
"Kunwari kakilala and then after that paghatid nila doon sa resident, nanakawan," dagdag niya.
ADVERTISEMENT
Ayon sa pulisya, pinakahuling nabiktima ng grupo ang limang Bangladeshi na nanakawan umano ng mga cellphone.

Sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad nitong Sabado, Mayo 3, nahuli ang isang babae at lalaking suspek.

Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang mga suspek.

Pursigido namang magsampa ng kaso ang mga dayuhan.

Mahaharap sa reklamong theft, concealing of true name, falsification of public documents, carnapping, at paglabag sa Land Transportation and Traffic Code ang mga nahuling suspek, ayon sa pulisya.

Patuloy namang pinaghahahanap ng awtoridad ang iba pang kasama ng mga suspek.

Ayon sa pulisya, nasa 10 silang miyembro ng Salisi Gang.

IBA PANG ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT