Lalaking nangholdap ng bangko sa Taguig arestado; higit P7M muntik matangay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nangholdap ng bangko sa Taguig arestado; higit P7M muntik matangay

MAYNILA — Inaresto ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang lalaking nangholdap umano ng isang bangko sa Bgy Western Bicutan sa Taguig, nitong Lunes, Mayo 5.

Ayon kay Police Major General Anthony Aberin, hepe ng NCRPO, pumasok sa bangko ang 54-anyos na suspek bandang alas 3:36 ng hapon.

Dagdag ng Taguig City Police, regular na kliyente ng bangko ang suspek kaya’t hindi umano siya pinagdudahan ng mga guwardya.

“Nakapasok po siya nang di po kinakpakapan ng guwardya. Actually yung baril niya nasa loob ng bag, di na po siya tiningnan. At sa loob medyo nag-standby muna siya ng ilang minuto then nakiusap na gagamit ng CR. Dahil sa kilala po ng mga guwardya, pinayagan siyang gumamit ng CR then paglabas niya po hawak-hawak na niya yung kanyang baril. Naka-bonnet na po siya at nag-declare na po ng holdap,” sabi ni Aberin.

“Pagka-declare niya po ng holdap ay binantaan niya po ang mga teller sa loob, huwag sisigaw o huwag ipapahalata na may nangyayaring ganoon. Pero yung isang teller po natin ay napindot pa niya yung switch ng alarm, at yung switch ng alarm na iyon ay konektado sa pinakamalapit na PCP,” dagdag niya.

Sa inisyal na imbestigayon, nakatanggap ng automated alarm signal mula sa naturang bangko ang Taguig Sub-Station 2 kaya agad na rumesponde ang sub-station commander at dalawa pang pulis sa lugar. Tinanong umano ng mga ito ang guwardya at teller ng bangko, pero sinabi ng mga itong walang nagaganap na holdapan.

“Pero nakita raw po sa mukha nila na medyo namumutla and there’s something wrong, based sa situation at nakita po nila yung isang lalaki na naka-bonet na nakahawak ng baril nakatutok. That’s why pinasok na nila. Tamang-tama po yung isang teller po nakalabas po sa exit sa likod kaya nagkaroon po ng pagkakataon yung atin pong mga kapulisan na pasukin at nakipambuno po sa holdaper sa loob,” sabi ni Aberin.

“May resistance, based dun sa interview natin dun sa bank officer nakatutok po sa kanya sa leeg [yung baril] and that is the reason kaya hindi basta basta ma subdue ng pulis natin yung suspek. Plus the fact na may ibang tellers sa loob. Nang makita niya [ng pulis] na may pagkakataon na makuha ang baril doon na po nakuha at ng isang guwardya doon na na-subdue yung suspek,” sabi ni Police Colonel Joey Goforth, hepe ng Taguig City Police.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang kalibre 9mm na baril, motor, at ninakaw na perang aabot sa P7,464,800.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang kalibre 9mm na baril, motor, at ninakaw na perang aabot sa P7,464,800.
ADVERTISEMENT
Dahil sa pangyayari iuutos na ng NCRPO sa mga district directors na kausapin ang mga bangko sa kanilang area of responsibility.

“Dapat yung policies and protocols ay mahigpit na sundin ng mga nasabing bangko para makaiwas po tayo ng kaparehas ng ganitong pangyayari… Definitely we will be calling a meeting or conference with security officers of different financial institutions, include na rin namin yung mga pera padala and the likes para at least maagapan natin mga ganitong insidente, as we observe may mga protocols na hindi nasunod,” sabi ni Aberin.

Iimbestigahan naman Southern Police District kung may inside job sa insidente.

“Aside from investigating them, we will look into their [probable] connection kung mayroon silang connection with the robber papaimbestighan natin iyon. At the same time we will be taking into consideration yung mga administrtive lapses nila. We will make the necessary report sa ating SOSIA,“ sabi ni Police Brigadier General Jospeh Arguelles, hepe ng Southern Police District.

Nire-review na rin ng mga otoridad ang CCTV ng bangko para malaman kung may kasama pa ang suspek.
Nire-review na rin ng mga otoridad ang CCTV ng bangko para malaman kung may kasama pa ang suspek.
ADVERTISEMENT
Nasa kustodiya ng Southern Police District ang suspek at na nakatakdang sampahan ng mga kasong robbery, paglabag sa gun ban, at iba pang kasong maaaring lumitaw sa isinasagawang imbestigasyon para sa pagsusuri ng Department of Justice (DOJ).