Senior citizen patay sa sunog sa Santa Mesa, Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Senior citizen patay sa sunog sa Santa Mesa, Maynila

Senior citizen patay sa sunog sa Santa Mesa, Maynila

Kaxandra Salonga,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Nasawi ang 72-anyos na lalaki sa sunog na tumupok sa anim na bahay na tinitirhan ng 12 pamilya sa Barangay 595, Santa Mesa, Maynila nitong Biyernes, pasado alas 9 ng gabi.

Inakyat ang sunog sa ikalawang alarma kung saan 35 firetrucks ang rumesponde.

“Sa kasamaang palad, meron po tayong isang casualty… sabi ng ibang nakakita, nakalabas na po yung (biktima) pero bumalik, sabi po ng neighbor niya,” pahayag ni Fire Senior Inspector Cesar Babante, BFP Manila Station 2 Commander.

Niyapos ng mga kaanak si Lolita Dineros, 71, nang makumpirmang hindi nakaligtas ang kanyang mister na si William.

ADVERTISEMENT

“Usually pag nakakainom ‘yun, natutulog after… kasarapan na ng tulog. Eh ginigising siya ng apo ko. Tinawag na siya…. Siguro wala na, talagang lasing na lasing… at tsaka antok,” sabi ni Dineros.

Dagdag niya, “Nasusunog na yung hagdanan nung bahay kaya yung apo kong isa kasama niya, tumalon na lang para makawala doon sa sunog… siya naiwan na siya.”

Nang makita ni Harvey Mendoza ang makapal na usok, agad siyang nag-impake at binitbit ang dalawang alagang aso palabas ng bahay.

“We secured the dogs, food ng dogs, water and stuff… kasi they are not just pets but they are part of our family,” sabi ni Mendoza.

Tinatayang nasa P250,000 ang halaga ng pinsala. Nahirapan ang BFP na mag-apula dahil makitid ang daan papasok sa pinagmulan ng sunog.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Elmo Canino, Chairman ng Barangay 595, nakahanda na ang evacuation center at pagkain para sa nasunugan.

“Sisikapin po namin na makapag-abot po ng tulong… syempre po paunang (tulong) namin dyan, mga pagkain po ng apektadong residente namin,” aniya.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog na idineklarang fire out bandang alas-10 ng gabi.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.