Paano mag-apply para makakuha ng passport? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano mag-apply para makakuha ng passport?

Paano mag-apply para makakuha ng passport?

ABS-CBN News Digital Intern,

Sharona Nicole Semilla

 | 

Updated May 03, 2025 11:00 AM PHT

Clipboard

MANILA — Para sa mga Pilipinong nagpa-plano ng kanilang international travel, paano nga ba makakuha ng passport mula sa Department of Foreign Affairs?

Ayon sa opisyal na website ng DFA, ang lahat ng "New Passport Application" ay nagsisimula sa pamamagitan ng pag-apply sa kanilang online appointment system. 

Makikita rito ang listahan ng iba't ibang pangunahin at satellite branches o offices na pinakamalapit sa bawat lugar. Maaaring pumili rito ng petsa at oras na nais ma-iskyedul. 

Pagkatapos makakuha ng confirmed appointment date, kailangan ihanda ang mga sumusunod na dokumento: 

ADVERTISEMENT

  • Printed and accomplished application form
  • Original Philippine Statistics Authority (PSA) Live Birth Certificate, 
  • Isang valid ID (original at isang photocopy)

ANO ANG MGA ID NA MAARING GAMITIN? 

Ayon sa Office of Consular Affairs ng DFA, tatanggapin ang mga sumusunod na ID:

  • Philippine Identification (PhilID) 
  • Electronic Philippine ID 
  • Digital National ID (printed copy)
  • Social Security System (SSS) Card
  • Government Service Insurance System (GSIS) Card
  • Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card
  • Land Transportation Office Driver’s License
  • Bangsamoro Land Transportation Office issued Driver’s License
  • Professional Regulatory Commission ID
  • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) E-Card
  • Commission on Elections (COMELEC) Voter’s ID or Voter’s Certificate mula sa COMELEC main office
  • Philippine National Police (PNP) Permit to Carry Firearms Outside Residence
  • Senior Citizen ID
  • Airman License (issued August 2016 onwards)
  • Philippine Postal ID
  • Seafarer’s Record Book (SRB) or Seafarers Identity Document (SID) issued by the Maritime Industry Authority (MARINA)


Maari ring gamitin ang school ID ng mga aplikante na menor de edad o kaya Certificate of Enrolment na may kasamang photo kung walang School ID.

Ang mga estudyante na nasa 18 pataas ay maaring gumamit ng School ID na may kasamang Certificate of Registration.

USAPING BIRTH CERTIFICATE

Para naman sa mga kababaihan na ginagamit ang apelyido ng kanilang asawa, kailangan magdala ng parehong original at photocopy ng PSA Authenticated Marriage Contract o Report of Marriage. 

Kailangan naman magdala ng kopya ng record of birth mula sa Local Civil Registrar kung ang PSA Birth Certificate ng aplikante ay malabo o mahirap basahin. 

ADVERTISEMENT

Ang aplikante na mag-aapply ay kailangang personal na magpunta sa pinili niyang appointment date. 

Para sa mga menor de edad na aplikante, hindi na nangangailangan ng online appointment kung siya ay edad 7 o pababa. Kailangan may kasamang magulang o 'authorized adult' kung ang aplikante ay menor de edad. 

Maaaring hanapin ang mga dagdag na dokumento gaya ng: 

  • Marriage Certificate ng mga magulang); 
  • Affidavit of Support and/or Consent mula sa ina (Kung hindi ito kasama), 
  • Affidavit of Support and/or Consent na authenticated ng Philippine Embassy or Consulate (Kung ang ina ay mula sa abroad)
  • Passport or Valid Government issued ID (original at photocopy) ng isa sa dalawang magulang


Mayroon ding supporting documents na maaaring hingin para sa mga iba't ibang uri ng aplikante, makikita ang updated na listahan ng mga dagdag na requirements dito: DFA Consular website.

Makikita sa kanilang opisyal na website ang mga detalye at anunsyo para naman sa renewal, releasing, at certification ng mga passport. 

ADVERTISEMENT

Para sa mga katanungan tungkol sa sistema ng online appointment, maaaring makipag-ugnayan sa 8-234-3288 at para sa mga concern tungkol sa passport, authentication, at mga consular services, maaaring tumawag sa 8-651-9400.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.