Lalaki nakunan ng CCTV na nanloob sa convenience store sa Rizal | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki nakunan ng CCTV na nanloob sa convenience store sa Rizal

MAYNILA — Arestado ang isa sa mga suspek sa pagnanakaw sa convenience store sa Barangay San Gabriel sa Teresa, Rizal nitong Biyernes ng madaling araw.

Ayon kay Police Col. Felipe Maraggun, Rizal police provincial director, agad humingi ng tulong sa pulisya ang duty operator ng tindahan matapos mapanood ang real-time CCTV footage ng panloloob.

“Pumasok yung isang subject sa bubong sa itaas then binutas niya. Meron siyang panggunting sa metal sheets… naitawag agad siya sa police station and it’s very timely dahil nagpapatrolya yung ating kapulisan,” pahayag ni Maraggun.

Mabilis na rumesponde ang mga awtoridad at nahuli ang 29-anyos na construction worker sa parehong araw.
Mabilis na rumesponde ang mga awtoridad at nahuli ang 29-anyos na construction worker sa parehong araw.
ADVERTISEMENT
Dalawang kaha lang ng sigarilyo ang nanakaw ng suspek dahil bigo siyang mabuksan ang vault ng tindahan.

“Sabi niya (suspek), he was aided by another subject but doon naman sa akto ay siya lang mag-isa,” sabi ni Maraggun.

Nasa Teresa Custodial Facility ang naarestong suspek na mahaharap sa kasong robbery.

Patuloy ang pagtugis ng pulisya sa kasabwat ng suspek.