Lalaki arestado sa panggagahasa ng 13-anyos sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki arestado sa panggagahasa ng 13-anyos sa QC

MAYNILA — Sa bisa ng warrant of arrest, nahuli sa Barangay Greater Lagro, Quezon City noong Miyerkules ng hapon ang isang 24-anyos lalaki na akusado sa panggagahasa ng menor de edad niyang kasintahan.

Ayon kay PLt. Ariston Vargas, Chief Warrant, Pasong Putik Police Station, October 2022 unang nangyari ang panggagahasa noong 13-anyos pa lamang ang biktima.

Ang age of consent sa Pilipinas ay 16. Ibig sabihin, ang pagkakaroon ng sekswal na relasyon sa isang menor de edad, kahit pa sa kasintahan, ay rape.

“Nagkakilala sila sa social media… nagkita sila at inaya nung akusado yung biktima na sumama sa bahay nung kanyang kapatid sa may Lagro. Ngayon, sumama naman 'yung biktima, at wala naman yung kapatid nung akusado. Dun na niya nagawa yung panggagahasa,” pahayag ni PLt. Vargas.

Dagdag ni PLt. Vargas, umabot ng tatlong buwan ang paulit-ulit na panggagahasa.

“Nakita nung tatay ang cellphone nung bata na (may picture) na naghahalikan sila. Tinanong nung tatay kung kaano-ano niya yung akusado, at inamin naman nung bata at sinabing boyfriend niya… na merong nangyari sa kanila,” aniya.

Dumulog ang tatay ng biktima sa pulisya noong December 14, 2022 para magsampa ng kaso laban sa akusado. Lumabas ang Warrant of Arrest laban sa suspek makalipas ang limang buwan subalit nagtago umano siya.

“Nagtago po ako sa Bohol po… dahil lang sa takot ng pamilya ko na di na ako makalabas,” sabi ng suspek.

Hinimok ng pulisya ang kapatid ng akusado na kumbinsihin siyang sumuko. Nasa kustodiya na ngayon ng Pasong Putik Police Station ang akusado sa kasong statutory rape at sexual assault.

Iginiit naman ng akusado na hindi niya pwinersa ang biktima.

“Hindi ko naman po pwinersa yung anak niyo eh. Mag-jowa naman po kami… Nagsisisi po ko sa nagawa ko po, tapos sana mapatawad po ako ng pamilya nila. Sorry po sa lahat,” aniya.