Lalaking nagpanggap umanong taga-NBI at nag-recruit pa ng ahente, arestado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nagpanggap umanong taga-NBI at nag-recruit pa ng ahente, arestado
MAYNILA — Kalaboso ang isang lalaking nagpapanggap na tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at sinabing kaya niya ring magpasok ng ahente sa loob ng ahensya kapalit ng pera.

Ayon sa biktima na si alyas “Mac”, unang inalok ng tulong ng lalaki ang kanyang kapatid na kapapasa lang noon sa National Police Commission (Napolcom) exam.

“Marami siyang binabanggit na mga pangalan na may impluwensiya. Kaya napalagay ‘yung loob at nangako siyang tutulungan,” sabi ni Mac.

“And then, humingi siya ng pera sa bawat hakbang na maaaring mangyari sa kapatid ko.”
“And then, humingi siya ng pera sa bawat hakbang na maaaring mangyari sa kapatid ko.”
ADVERTISEMENT
Pinangakuan niya rin ang asawa ni Mac na ipapasok sa Civil Service Commission hanggang sa i-recruit na rin siya para magtrabaho sa NBI.

“Marami siyang kwento na talaga naman bibilib ka kasi talagang matamis ‘yung dila niya. Kaya talaga pong napaniwala ako,” sabi ni Mac.

Aabot sa P250,000 ang perang nakuha ng lalaki sa pamilya ni Mac para sa pagpoproseso umano ng kanilang papeles.

Pero makalipas ang higit apat na buwan, walang natupad ni isa sa pangako.

“Nanlamig ako kasi ‘yung pangarap para sa pamilya ko, nakasalalay dun sa pinoproseso. E ‘yun pala ay modus lang po talaga,” daing niya.

Nagsumbong sa NBI-Technical Intelligence Division (NBI-TID) ang mga biktima at doon nakumpirma na hindi miyembro ng NBI ang suspek.

Naaresto ang suspek nitong Miyerkules at nakumpiska mula sa kanya ang mga pekeng NBI ID, badge, mission orders, at calling card na ginagamit niya sa panloloko.

“So, ito'y lahat part ng scheme niya, to lure victims para ma-swindle niya itong mga tao,” ayon kay Allein Rey Delfin, special investigator III ng NBI-TID.

“And one of the documents na na-obtain namin during the operation is meron pang scholarship na document for flight attendants,” dagdag niya.

Itinanggi naman ng suspek ang mga paratang at sinabing nagamit lang siya sa modus.
Itinanggi naman ng suspek ang mga paratang at sinabing nagamit lang siya sa modus.
ADVERTISEMENT
“Wala akong ginagawang mali, sir. Kumbaga, tiwala lang po talaga ako na totoo ‘yung sinasabi ng kausap ko,” depensa niya.

Sinampahan siya ng mga reklamong estafa, usurpation of authority, at falsification of public documents.

IBA PANG BALITA:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT