Dalawa patay sa sunog sa Caloocan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dalawa patay sa sunog sa Caloocan

Dalawa patay sa sunog sa Caloocan

 | 

Updated May 15, 2025 10:26 AM PHT

Clipboard

MAYNILA — Patay ang isang person with disability (PWD) at dalagita sa sunog sa residential area sa Barangay 81, Caloocan City.

Sumiklab ang sunog dakong alas-5 ng hapon Miyerkules.

Umabot ito sa ikalawang alarma at naapula makalipas ang limang oras. Labing walong fire trucks ang rumesponde.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, electrical wiring ang isa sa iniimbestigahan na sanhi ng apoy.

ADVERTISEMENT

"Ganyan po kasi pagka illegal settlers po ang nakatira, usually overloading ng kuryente ang dahilan. As per witnesses ang sabi ay illegal connection pero under investigation pa po ito," sabi ni  Fire Senior Inspector Elyzer Ruben Lea ng BFP-Caloocan.  

"Challenge sa amin yung mga makukulit na tao, ongoing pa ang operation pasok sila nang pasok. Crowd control kami nahirapan," dagdag niya.

Bandang ala-1 Huwebes ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng 52-anyos na lalaki na nadaganan ng bisikleta, ayon sa BFP.

 

Ayon kay Len Guerrero na pamangkin ng biktima, hirap na maglakad ang kanyang tiyuhin kaya na-trap sa sunog.

Pasado alas-6 naman ng umaga natagpuan ang bangkay ng 16-anyos na dalagita.

ADVERTISEMENT

Nasa lima ang nasugatan sa insidente.

"May mga nasugatan, dahil sa pagtalon. May nakuryente na fire volunteer, given na yan, na kapag squatters area, kailangan mag-ingat during the operation, okay naman na po siya," sabi ni Leal.

Tinatayang aabot sa 70 pamilya na binubuo ng 90 indibidwal ang apektado, ayon sa BFP-Caloocan.

Nasa 50 bahay ang natupok at aabot sa P300,000 ang tinatayang halaga ng pinsala.

Nasa covered court ng Barangay 78 at St. Peter Parish ang ilan sa mga nasunugan habang ang iba ay nakituloy muna sa kani-kanilang kaanak.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.