Menchie Abalos nahalal na Mandaluyong mayor | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Menchie Abalos nahalal na Mandaluyong mayor

Menchie Abalos nahalal na Mandaluyong mayor

Clipboard

MAYNILA — Naiproklama na ng City Board of Canvassers ang mga nanalo sa lokal na posisyon sa Mandaluyong City.

Si incumbent Vice Mayor Carmelita “Menchie” Abalos ang nahalal bilang alkalde ng lungsod at nagkamit ng 143,315 na boto. Wala siyang kalaban.

Si Abalos ang unang babaeng alkalde ng Mandaluyong nang manalo noong 2016.

Ang asawa niya, si dating Interior Secretary Benhur Abalos, at father-in-law na si Benjamin Abalos Sr., ay pareho ding nagsilbing mayor sa lungsod bago siya.

ADVERTISEMENT

Tatlong dekada nang nagpapalitan bilang mayor ang mga Abalos sa Mandaluyong.

Kasabay ni Abalos ay naiproklama na rin ang kanyang katandem na si Councilor Anthony Suva bilang vice mayor matapos magkamit ng 134, 572 boto. Unopposed din siya.

Samantala, babalik naman sa House of Representatives si dating congresswoman Queenie Gonzales na may 141,464 na boto at wala ring kalaban.

Maliban sa kanila, naproklama na rin ang mga nanalong konsehal sa Districts 1 at 2 ng Mandaluyong kung saan mga Abalos din ang nanguna.

Sa kanyang pahayag, nagpasalamat si Abalos sa patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa buong partido.

Nangako siyang mas paghusayan ang paglilingkod para sa bawat Mandaleños.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.