FACT CHECK: Kailangan ng konteksto ang warrantless arrest order ng Comelec | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Kailangan ng konteksto ang warrantless arrest order ng Comelec

Eliseo Ruel Rioja,
ABS-CBN Research and Verification Unit
Published May 12, 2025 10:01 PM PHT
|
Updated May 12, 2025 10:18 PM PHT

Sa isang mapanligaw na Facebook post, pinalutang sa isang artcard ang bahagi ng pahayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Garcia sa isang radio interview na “Mang-aresto tayo ng mga tao kahit walang warrant of arrest.”

Kinakailangan nito ng konteksto.
Kinakailangan nito ng konteksto.
Bagama’t totoong ipinag-uutos ng Comelec ang warrantless arrest ngayong halalan, pinahihintulutan lamang ang mga kawani ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation na gawin ito kung mahuhuli ang isang tao na gumagawa ng aktong maituturing na vote-buying, vote-selling, at abuse of state resources.

Ito ay alinsunod sa Section 14(h) at 15(c) ng Comelec Resolution No. 11104 na inilabas noong Enero 28, 2025.
Ito ay alinsunod sa Section 14(h) at 15(c) ng Comelec Resolution No. 11104 na inilabas noong Enero 28, 2025.
ADVERTISEMENT
Naaayon din ang polisiyang ito sa Section 5 Rule 113 ng Revised Rules of Criminal Procedure na naglalatag sa batayan ng warrantless arrest.

“A peace officer or a private person may, without a warrant, arrest a person... (a) When, in his presence, the person to be arrested has committed, is actually committing, or is attempting to commit an offense,” mababasa sa probisyon.

Itinuturing na criminal liability ng Omnibus Election Code of the Philippines ang election offense na vote-buying at selling.

Nakapagtamo na ng mahigit 1K likes, 422 comments, at 66 shares ang naturang Facebook post.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X account @abscbnfactcheck.
Read More:
Commission on Elections
Comelec
George Garcia
Halalan 2025
vote buying
vote selling
misinformation
disinformation
fact check
ABS-CBN Research and Verification Unit
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT