Sunog sumiklab sa isang residential area sa Brgy. Sangandaan, QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sunog sumiklab sa isang residential area sa Brgy. Sangandaan, QC

MAYNILA -- Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Sangandaan, Quezon City nitong Linggo ng hapon.

Nagsimula ang sunog pasado alas-4 ng hapon at agad na umakyat sa ikalawang alarma bago tuluyang naapula bandang alas-5.

Ayon sa saksi na si Louie dela Cruz, nag-umpisa ang apoy sa isang bahay.

"Paglabas namin nakita ko nga medyo malaki na 'yung usok pa lang, tapos tinawag na namin 'yung mga kapitbahay para mabuksan 'yung gate. Dumating din 'yung caretaker para mabuksan. Tapos pinilit naming mabuksan yung sasakyan para hindi madamay. Dun na lumakas 'yung apoy," dela Cruz said.

Ayon naman sa caretaker ng naturang bahay na si Sonny Verchez, mag-asawa ang may-ari ng bahay at nagbabakasyon sa ibang bansa simula pa noong Abril.

Nakakandado umano ang pintuan ng bahay at wala rin umano siya sa lugar nang mangyari ang sunog.

Dalawang bahay ang naapektuhan ng sunog pero wala namang nasugatan, ayon sa barangay.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog.