Matalinong pagboto ikinampanya ng Campus Patrol sa STI Ortigas-Cainta | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Matalinong pagboto ikinampanya ng Campus Patrol sa STI Ortigas-Cainta

MAYNILA —Siksik na kaalaman sa midya at pamamahayag ang naging ika-apat na pagdaraos ng Campus Patrol na ginawa sa STI Ortigas-Cainta. Naging pagkakataon din ang okasyon para ibahagi sa mga estudyante ang kahalagan ng halalan at matalinong pagboto.

Binigyang-diin ng ABS-CBN News journalists sa pangunguna nina Victoria Tulad, Ariel Rojas, Ganiel Krishnan, at Andrea Taguines ang kahalagahan ng pagiging mapanuri sa mga balita’t impormasyon na napapanood lalo na online.

Isang makabuluhang diskusyon din ang ibinahagi ni Manila Bulletin columnist Philip Cu-unjieng na seryosohin ang pagboto. Isa ang Manila Bulletin sa partners ng ABS-CBN sa Halalan 2025.

Gaya ng mga naunang Campus Patrol, binuo ang produksyon katuwang ang mga estudyante ng host school at hindi rin nawala ang ilang pakulo gaya ng ‘Reporter Challenge’.

Malaking bagay ayon sa pamunuan ng STI ang mga kaalamang ibinahagi sa Campus Patrol dala ang paniniwalang hindi lamang nagtatapos sa loob ng silid-aralan ang pagkatuto.

– Ulat ni Ganiel Krishnan, Patrol ng Pilipino
Video produced with Elijah Gallero, Khengie Hallig, Ferna Alyssa Glorioso, and Mary Dei Torres; Edited by Khengie Hallig
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT