Lalaking nasawi sa NAIA crash, nailibing na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nasawi sa NAIA crash, nailibing na

ABS-CBN News
Published May 11, 2025 08:11 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Inihatid na sa kanyang huling hantungan si Dearick Keo Faustino, ang isa sa mga biktima sa nangyaring insidente sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Inilibing si Faustino sa Paombong Memorial Park sa Bulacan nitong Linggo, alas-2 ng hapon kung saan inalala ang biktima bilang isang mabuti at responsableng tao.

“Sobrang sakit lalo ngayon na talagang hindi na namin siya makikita,” ani Daisy Faustino, tiyahin ng biktima.

“Sobrang bait niya, responsable, maaasahan. Kaya prayers lang namin na little by little ‘yung acceptance, this reality na wala na siya,” dagdag pa niya.

Lubos naman ang pasasalamat ng pamilya ni Faustino sa mga nakiramay na kaibigan, kaklase, at kamag-anak ng biktima.

Para kay Daisy, mahirap magpatawad dahil buhay ang kinuha at nawala sa kanilang pamilya dulot ng hindi pag-iingat sa pagmamaneho ng driver na naging sanhi ng malagim na insidente.

Samantala, hustisya pa rin ang panawagan ng naulilang pamilya.

“Sana hustisya, hustisya ay maibigay sa pamangkin namin na si Dearick Keo. At sana mabilis, mabilis na hustisya ang ibigay sa kanya,” ani Daisy.