Bata na nasawi sa NAIA car crash, inilibing na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bata na nasawi sa NAIA car crash, inilibing na

Bata na nasawi sa NAIA car crash, inilibing na

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Libing sa Lipa City, Batangas ng batang nasawi sa pagbangga ng isang sasakyan sa NAIA Terminal 1 Departure Area, May 4, 2025. Francis Orcio, ABS-CBN News 

MAYNILA —  Isang linggo matapos ang malagim na trahedya sa NAIA Terminal 1 departure area, inihatid na sa huling hantungan ang 4-taong-gulang na batang nasawi sa insidente. 

Bago ang araw ng libing, sa unang pagkakataon ay nasilayan kagabi ni Cynthia Masongsong ang labi ng kaniyang nag-iisang anak na si Malia Kates Yuchen Masongsong. 

Halos hindi mapigil ang pagtangis ni Cynthia sa malagim na pagkamatay ng kaniyang anak.

Hindi pa rin nakatatayo si Cynthia na kailangang isakay sa wheelchair dahil sa matinding sugat na tinamo sa aksidente.

ADVERTISEMENT

Halos ayaw mawalay ni Cynthia at ng kaniyang asawang si Danmark sa kabaong ng kaniyang anak.

Punong-puno ng pagdadalamhati ang mga nakipaglibing. Hindi rin bumitaw sa pag-alalay sa pamilya ang mga staff ng Department of Migrant Workers (DMW) at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Nakipaglibing mismo sina Sec. Hans Leo Cacdac at OWWA administrator Arnell Ignacio. Isinagawa ang misa sa Sto. Niño Parish bago inihatid sa Eternal Memorial Gardens si Malia.

Hustisya pa rin ang sigaw ng pamilya.


RELATED VIDEO:



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.