ALAMIN: Ano ang 'red flags' sa kandidato? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ano ang 'red flags' sa kandidato?

ALAMIN: Ano ang 'red flags' sa kandidato?

ABS-CBN News Digital Intern,

Lawrence Coruno

Clipboard

MAYNILA — Hinihikayat ng isang election watchdog ang mga botante na alamin ang "red flags" ng mga kumakandidato ngayong darating na halalan.

Bagamat mas madalas ginagamit sa konteksto ng paghahanap ng karelasyon, ang "red flag" ay sinasabing indikasyon na may hindi magandang asal, gawi o koneksiyon sa isang bagay ang isang tao.

Pero sa konteksto ng halalan, ang "red flag" ay tumutukoy sa mga katangian o warning signs sa isang kandidato, ayon sa Legal Network For Truthful Elections o LENTE Philippines.

"Red flags are these sort of like pointers for voters," pagpapaliwanag ni Alexa Yadao, junior program officer for electoral reforms ng LENTE.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ni Yadao, kung paanong naglalagay ng standards ang mga botante sa sarili at sa ibang tao ay ganoon din dapat sa mga politiko.

Pero ano nga ba ang mga maituturing na "red flag" sa isang kandidato?

1. Walang accountability

Ayon sa LENTE, tumutukoy ang accountability sa kakayahan ng kandidato na sumunod sa batas tungkol sa halalan simula sa pangangampanya.

Kasama rito ang mga alituntunin sa gaano kalaki lang dapat ang campaign materials, kung ano'ng halaga lang dapat ang ginagamit sa pangangampanya, hanggang sa implementasyon ng botohan na nakapaloob sa batas.

Bukod sa regulations at rules, pinapayuhan din ang mga botante na tingnan ang alegasyon ng election offenses sa mga kandidato gaya ng vote-buying, vote-selling, at paggamit ng government resources para sa halalan. 

ADVERTISEMENT

Kabilang din ang paglabag sa anti-discrimination guidelines na hindi lamang patungkol sa kasarian at nasyonalidad kundi kasama rin ang hindi paggamit sa mga may kapansanan para sa kampanya.

Pinagsama-sama ng mga personnel ng Metro Manila Development Authority ang mga binaklas na campaign poster at tarpaulin sa Sta. Mesa, Manila noong February 18, 2022. ABS-CBN News

2. May private armed group ang kandidato

Sa pagsisigurado sa ligtas na halalan, tinitingnan din bilang isang red flag ang pagkakaroon ng private armed group ng isang kandidato.

Dahil sa koneksyon nito sa political violence, marapat na tingnan din bilang "red flag" ang pagkakaroon ng pribadong armadong grupo ng mga tumatakbo sa halalan upang maprotektahan ang mga botante na bumoto nang 'di nahaharap sa pananakot at pagbabanta, ayon kay Yadao.

Nitong Marso lamang, inilabas ng Comelec ang election hotspots na tumutukoy sa estado ng isang lugar kung mayroon ba itong presensiya ng armed threats. 

Makikita sa mapa, kabilang ang ilang lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ang mga lugar na nasa red category o may seryosong kaso ng armed threats.

ADVERTISEMENT

Isang van na pagmamayari ng isang mamamahayag sa Camiguin ang sinilaban noong Mayo 10, 2025. Retrato mula kay Manuel Jaudian

3. May history ng conviction 

Dapat tingnan din ng mga botante ang integridad ng isang kandidato sa nahawakang posisyon. 

Ani Yadao, "malaking red flag" ang pagiging convicted sa isang kaso ng isang kandidato.

“Kasi you have to remember elections don't just stop kapag naman tapos nang halalan, kunwari on Monday, but it has far reaching consequences. The results of the elections and how it was conducted [have] far-reaching consequences even after the election," pagpapaliwanag ni Yadao.

Idinagdag niya rin na dapat bantayan ang “overspending” at iba pang campaign finance ng isang kandidato sa kampanya dahil nakikita rito ang anti-corruption measure na parte ng accountability standard.

4. Kasapi ng political dynasty

Sa datos ng Kontra Daya, higit 40 sa 86 na party-list groups ay binubuo ng political clan at kinokonekta sa dinastiya. Kabilang dito ang mga kilalang party-lists na ACT-CIS, FPJ Panday Bayanihan, 4P's Partylist, at Tingog Sinirangan. 

ADVERTISEMENT

Pinagdiinan ni Yadao na dapat maging "competitive" ang halalan at hindi ito mangyayari kung ang kandidato ay mga kasapi ng isang maimpluwensiyang pamilya.

“At the same time sometimes wala ding choice 'yung mga voters pero ano din siya, pwede din siyang pagnilay-nilayan ng ating mga voters. Parang how competitive 'yung mga elections natin especially at the local level," sabi ni Yadao.

Nagbabantay ang mga supporter ng ilang pulitiko sa labas ng Manila Hotel sa unang araw ng pag-file ng Certificates of Candidacy para sa mga tatakbong senador at Certificates of nomination of Acceptance para sa mga party-list noong Oktubre 1, 2024. Mark Demayo, ABS-CBN News

5. May isyu ng disinformation

Malaking isyu sa nakaraang halalan at hanggang ngayon ang pagkalat ng maling impormasyon o "fake news" mula sa pangangampanya hanggang sa botohan.

Kaya idiniin ng LENTE na marapat isaalang-alang sa darating na halalan ang transparency.

Sa kabilang banda, tiniyak naman ng Philippine National Police ang pag-iimbestiga sa mga nagpapakalat ng fake news upang mapigilan ang election-related violence at maprotektahan ang integridad ng halalan.

ADVERTISEMENT

Kung sakaling makakita ng election offenses, hinihikayat ng LENTE na i-report kaagad ang mga ito sa Comelec. 

Puwede ring makipag-ugnayan sa LENTE at i-send ang report, picture o video, o kung ano'ng magpapatunay sa alegasyon.

Website: www.lente.org.ph/report

Email: accountabilitylab@lente.org.ph

Hotline: +63 917 106 6265 / (0920) 266 0944 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.