Lalaking nanaksak ng dating katrabaho sa fast food chain sa Quezon City, sumuko na | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking nanaksak ng dating katrabaho sa fast food chain sa Quezon City, sumuko na

Lalaking nanaksak ng dating katrabaho sa fast food chain sa Quezon City, sumuko na

Kaxandra Salonga,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Sumuko na sa mga awtoridad noong Miyerkules ang 22-anyos na lalaking nanaksak sa dating katrabaho sa isang fast food store sa loob ng mall sa Tandang Sora Avenue sa Barangay Sangandaan, Quezon City.

Ayon kay PCapt. Febie Madrid, spokesperson ng Quezon City Police District (QCPD), nakipag-ugnayan ang mga operatiba sa pamilya ng suspek sa kanilang probinsya sa Barobo, Surigao del Sur para kumbinsihin siyang sumuko.

“Madaling araw ng May 7 siya po ay sumuko sa Barobo Municipal Station… May 8 sinundo po siya ng ating mga operatiba ng QCPD,” pahayag ni PCapt. Madrid.

Noong gabi ng Mayo 3, makikita sa kuha ng CCTV ang walang habas na pananaksak ng suspek sa biktima. Napag-alaman na nagtungo pa sa kanyang bagong pinapasukang trabaho ang suspek isang oras matapos ang krimen, kung saan nakita siya ng katrabaho na may kalmot sa mukha at kamay.

ADVERTISEMENT

Kinabukasan ng umaga natagpuan ng pulisya ang katawan ng biktima. Nakumpirma ng store manager ang pagkakakilanlan ng suspek batay sa kuha ng CCTV at sa naiwan niyang ID.

Ayon kay PCapt. Madrid, dating magkatandem sa trabaho ang suspek at ang biktima. Tatlong linggo bago ang insidente, kinompronta ng biktima ang suspek hinggil sa umano’y discrepancy sa kanilang inventory report. Dahil dito, nauwi sa alitan ang dalawa at kalaunan ay natanggal sa trabaho ang suspek.

Dagdag niya, batid ng suspek ang shift ng biktima kaya posibleng inabangan niya ang biktima sa oras ng closing, kung kailan wala nang ibang tao sa lugar.

“Sa kanyang extrajudicial statement…  lagi siyang inaasar nitong mga kasama niya sa trabaho particularly itong biktima… ‘yun po yung nag-udyok dto,” sabi ni PCapt. Madrid.

Nitong Biyernes, dinala sa Quezon City Police District ang suspek na mahaharap sa kasong murder.

“Ayoko na muna po magsalita, pero di ko naman po sinadya yung nangyari po,” sabi ng suspek.

RELATED:



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.