Dalawang bar, imbakan ng alak nasunog sa Malate

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dalawang bar, imbakan ng alak nasunog sa Malate

Clipboard

Dalawang bar, imbakan ng alak nasunog sa Malate
iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

MAYNILA — Natupok ang dalawang bar at isang imbakan ng alak sa Malate, Manila nitong Huwebes ng madaling-araw. 

Ayon sa barangay kagawad, bigla nalang nagtakbuhan ang mga kustomer ng mga bar sa Barangay 697, Zone 76 nang makarinig ng putok.

“Yung talagang kasagsagan ng sunog, may mga pumuputok eh siguro yung mga kuryente na shortcircuit na,” sabi ni barangay kagawad Paquito Perono. 

Naging pahirapan ang pag-apula ng apoy dahil sa makapal na usok at mga linya ng kuryente.

ADVERTISEMENT

“May kuryente po, may possiblity na ma kuryente ang ating mga bumbero kaya medyo hirap din sa pagpasok,” sabi ni Bureau of Fire Protection-Manila station 4 commander F/SInsp Leslie Ann Ramos. 

Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, lumabas na sa likurang bahagi ng isa sa mga bar nagsimula ang apoy. 

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at 3:54 a.m. idineklara ang fire out. Walang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente. 

Inaalam pa ng BFP ang halaga ng napinsala ng sunog.


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.