SUV binangga ang nakaparadang van; humarurot at nagpaikot-ikot sa isang gasolinahan sa QC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SUV binangga ang nakaparadang van; humarurot at nagpaikot-ikot sa isang gasolinahan sa QC

Bea Cuadra,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Binangga umano ng isang SUV ang isang van na nakaparada at humarurot ng paatras at nagpaikot-ikot sa isang gasolinahan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City nitong Martes.

Isang 68 anyos na retired US Navy ang driver ng puting SUV, ayon sa District Traffic Enforcement Unit (DTEU) ng Quezon City Police District (QCPD).

Tinutumbok umano niya ang kahabaan ng Commonwealth Avenue mula Tandang Sora papunta sa direksyon ng Quirino Highway.

Paglagpas nang kaunti sa isang gasolinahan ay nabangga ng puting SUV ang isang van na nakaparada sa harapan nito.

ADVERTISEMENT

Nagulat na lamang ang ilang testigo sa lugar nang umatras at muling umabante ang puting SUV, dahilan nang pagkakabangga muli nito sa nakaparadang van.

Sa lakas ng pagkakabangga ay umurong paharap ang nakaparadang van at nabangga din ang isa pang nakaparadang L300 na van na nasa harap.

Ayon kay PLtCol. Jose Luis R Aguirre, hepe ng DTEU-QCPD, agad na rumesponde ang awtoridad.

“Dumating ngayon 'yung pulis natin. Nang bumaba siya, sinabihan niya 'yung driver ng (SUV). Ngayon nakatigil na po 'yun. Tapos nung pinuntahan niya na, 'yun nag-panic attack, na-apakan niya 'yung gas ng sasakyan niya… Tapos 'yun na 'yung nakikita niyo na tumama dun sa gasolinahan—nagpaikot ikot sa gasolinahan,” kwento ni Aguirre.

Dagdag pa niya, hindi pa matukoy ang dahilan kung bakit iyon nagawa ng suspect.

ADVERTISEMENT

“Di pa namin po masabi ngayon kasi ongoing pa po ang investigation namin pero allegedly sabi ng mga tao dun nag panic attack… Yun lang nag panic attack po siya sabi niya din tas na-ano (apakan) niya yung gas,” ani Aguirre.

Wala namang naitalang sugatan sa insidente. 

Ayon kay Aguirre, nasa kustodiya na ng QCPD ang suspect.

“Naghihintay po kami ng mga complainant kung mag fa-file po sila ng damage to property… Kung may mag rereklamo, kakasuhan po namin ng reckless imprudence resulting in multiple damage to properties. Yan po kung mag cocomplaint yung mga nagawa niya pati yung gasolinahan,” sabi niya.

“Pero tiniketan na po namin siya ng involved in accident— traffic accident  and inimpound na po namin yung sasakyan niya,” dagdag pa ni Aguirre.

ADVERTISEMENT

Paalala naman ng PNP sa mga motorista na suriing maigi ang sariling kondisyon at ng sasakyang gagamitin bago magmaneho.

“Dapat hindi lang po maayos yung kondisyon ng sasakyan natin, dapat tayo po na nagmaneho ay maayos yung kondisyon para hindi po mangyari yung mga ganito,” sabi niya.


IBA PANG ULAT:

IBA PANG ULAT:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.