Isa patay, apat na tauhan ng PDEA sugatan sa buy-bust sa Parañaque | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Isa patay, apat na tauhan ng PDEA sugatan sa buy-bust sa Parañaque
Isang buy-bust operation ang naganap sa Barangay San Antonio, Paranaque na ikinasawi ng isang suspek. Izzy Lee, ABS-CBN News

MAYNILA -- Isa ang patay habang apat ang sugatan sa naganap na engkwentro sa pagitan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay San Antonio, Parañaque, ayon sa ahensiya.

Sa inisyal na ulat ng PDEA, nagsagawa sila ng buy-bust operation sa loob ng isang subdivision pasado alas-singko ng hapon, nang mauwi ito sa isang engkwentro.

Isa sa mga suspek ang nasawi, habang apat na tauhan ng PDEA ang sugatan.

Ayon kay Marvin Mendoza, District Officer ng PDEA-NCR, bigla silang pinaputukan ng suspek nang pasukin nila ang bahay, kaya nauwi ito sa palitan ng putok na ikinasawi ng suspek.

Arestado naman ang tatlo pang kasamahan nito.

Tinatayang apat na kilo ng shabu ang nasabat ng PDEA.

Nakatakda ring magsagawa ng follow-up operation ang ahensya.