2 bangkay natagpuan sa Rodriguez, Rizal | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 bangkay natagpuan sa Rodriguez, Rizal
MAYNILA -- Dalawang bangkay ng mga hindi pa nakikilalang biktima ang natagpuan sa Sitio Udiongan, Barangay Macabud, Rodriguez, Rizal nitong Martes, pasado alas-6 ng umaga.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nadiskubre ng isang concerned citizen ang mga bangkay na nakasilid sa nylon bag.

Nakagapos ang mga kamay ng mga biktima gamit ang nylon rope, at binalot ng duct tape ang mga mukha.

Ang mga biktima ay iniwang nakahandusay sa damuhang bahagi ng kalsada na sakop ng Barangay Macabud.
Ang mga biktima ay iniwang nakahandusay sa damuhang bahagi ng kalsada na sakop ng Barangay Macabud.
ADVERTISEMENT
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima at suspek sa insidente.