Lalaking nagtago nang 4 taon matapos umanong gahasain ang pamangkin, arestado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nagtago nang 4 taon matapos umanong gahasain ang pamangkin, arestado
MAYNILA — Inaresto ang most wanted person ng Taguig City police matapos magtago nang apat na taon sa kasong statutory rape.

Sa bisa ng warrant of arrest, natunton ng mga awtoridad ang 35-anyos na akusado sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City noong Lunes ng hapon.

Ayon kay PMaj. Cherrylyn Agtarap, tagapagsalita ng Taguig City Police Station, nangyari ang krimen noong October 10, 2021 sa bahay mismo ng biktima. Dagdag pa niya, ang suspek ay kapatid ng ina ng biktima.

“Dalawang beses nangyari, based po doon sa statement ng ating victim which is nung nangyari po yun 8 years old pa lang siya… and then yung sumunod na pangyayari po hindi niya na po maalala kung anong date basta nasundan po yun,” kwento ni Agtarap.

Nagsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang at dumulog sa mga awtoridad ang kanyang ama.

“Four years pong nagtago itong suspect natin and then yun nga lumutang na lang ‘to at naaresto dun po sa bahay nitong tatay nitong victim… Lumutang po siya (suspek) dun sa area tapos nung nalaman po nitong tatay tinimbre sa kapulisan natin kaya natunton siya,” sabi ni Agtarap.

Dagdag niya, umamin naman ang suspek sa nagawang krimen at sinabing pinagsisisihan niya ito.

“Nung time po kasi nung nangyari yun, nandun po siya sa bahay nung victim so I think parang pinapabantayan yung bata that time kasi umalis or wala itong parents kaya nung time na yun pinapasok lang ng suspek yung victim sa room tapos yun na…Wala din naman po siyang sinabi kung nakainom siya, hindi binanggit basta yun nangyari lang,” kwento ni Agtarap.

Nakakulong na sa custodial facility unit ng Taguig City Police ang suspek.

Nagbigay naman ng paalala ang pulisya lalo na sa mga magulang.

“Para sa lahat ng mga magulang lalo na yung may mga anak na babae… Lagi po nating ipaalala sa kanila na kahit kailan ay walang sino man ang maaaring humawak sa maseselang bahagi ng katawan nila kahit sino pa ito, maging kamag-anak o kakilala,” payo ni Agtarap.