FACT CHECK: Peke ang ABS-CBN quote cards tungkol sa mga pahayag ni Bong Go laban kay Duterte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Peke ang ABS-CBN quote cards tungkol sa mga pahayag ni Bong Go laban kay Duterte

Rowena Caronan,
ABS-CBN Research and Verification Unit
Published Apr 09, 2025 01:43 AM PHT

Hindi totoo ang diumano’y tatlong quote cards mula sa ABS-CBN News na nagpapakita kay Senador Christopher “Bong” Go na sinasabing nagsisisi siya sa pagsuporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t tumutulong na siya ngayon sa International Criminal Court (ICC).

Si Go ay isang dating top aide ni Duterte at kasalukuyang kumakandidato sa pagkasenador. Inaresto si Duterte noong Marso 11, 2025 sa bisa ng arrest warrant ng ICC para sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugo niyang drug war campaign.

Ayon sa mga pekeng quote card, sinabi diumano ni Go na "para siyang binudol" ni Duterte kaya’t ngayon ay naghihiganti sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at pagsumbong kay Duterte sa ICC.

Ginamit sa mga quote card ang logo ng ABS-CBN News at nilapatan ng tekstong “BREAKING NEWS.” Nilagay din sa mga quote card ang URL ng ABS-CBN website na www.abs-cbn.com pati na ang tekstong “@abscbnnewsupdate.”

Bagama’t tama ang nakalagay na URL, walang social media handle ang ABS-CBN News na gumagamit ng “abscbnnewsupdate.”

Hindi ito ang unang beses na ginamit ang ABS-CBN News sa mga peke at manipuladong content at quote card na ipinakakalat online.

Ugaliing kumuha ng mga impormasyon sa lehitimong website ng ABS-CBN News at sa mga opisyal na social media account ng “ABS-CBN News” sa Facebook, X (dating Twitter), TikTok, Instagram, at YouTube.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X (dating Twitter) account @abscbnfactcheck.
Read More:
Bong Go
Rodrigo Duterte
ABS-CBN News quote card
ABS-CBN fake quote card
misinformation
disinformation
fact check
ABS-CBN Research and Verification Unit
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT