Electrician arestado sa pagnanakaw umano ng P10-milyong relo at alahas ng amo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Electrician arestado sa pagnanakaw umano ng P10-milyong relo at alahas ng amo

Electrician arestado sa pagnanakaw umano ng P10-milyong relo at alahas ng amo

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Inaresto ang isang electrician dahil sa pagnanakaw umano ng mga alahas, mamahaling relo at baril na nagkakahalaga ng higit P10 milyon sa Barangay Bahay Toro, Quezon City nitong Lunes.

Ayon sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD), inupahan bilang electrician ang suspek ng mga biktimang mag-asawa sa nire-renovate nilang bahay.

“Very shocking kasi pag-uwi namin sa bahay, kasi under renovation yung buong bahay, pag-akyat ni misis sa room namin, sumigaw na lang, sabi niya nanakawan tayo, dahil yung sidewall namin may forcible entry,” sabi ng biktimang si alyas Elmer.

“Ang fear ko baka magamit [ang baril], saka ma-implicate ako yan ang pinaka-worst. Yung wife ko that time, stressed. We didn’t know what to do,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Agad naman silang nakahingi ng tulong sa ng QCPD ang biktima at sinundan ang GPS tracker na kasama sa mga ninakaw na gamit.

“Sabi niya sweetheart, may AirTag iyon. Hindi niya basta-basta malalaman na may AirTag, baka malapit pa. Talaga napakabait ng Diyos, luckily nakita pa namin doon sa application na malapit lang. Siguro mga 2-minute drive from our place,” sabi ni Elmer.

“Kaya sinundan lang natin nang sinundan yung tracker hanggang sa matunton natin ang isang kotse na nakaparada…at nung nakapagtanong tanong tayo ayon dun sa mga residente hindi nila kilala yung nasabing kotse at di nila kilala yung may-ari,” sabi ni PLtCol. Roldante Sarmiento, commander ng QCPD police station 15.

Nang matunton ang kotse sa Aberdeen Street, dito na nagmanman ang mga pulis.


“Nagbantay po yung ating kapulisan, yung ating mga operatiba, hindi namin tinanggal muna yung sasakyan dahil alam namin babalik iyan. So nag-antay tayo ng almost 5 hours yung ating nakatanim na tao dun sa area...doon na natin naaresto at pina-identify natin dun sa sa ating victim,” sabi ni Sarmiento.

ADVERTISEMENT

Pagbalik naman ng suspek, dito binuksan ng mga pulis ang trunk ng kotse at tumambad sa kanila ang mga gamit ni Elmer.


“Nung mabuksan yung trunk ng kotse, yung mga gamit na nawawala ng biktima ay nandun lahat. At pina-identify natin lahat sa kanya ito at 100 percent yun nga yung mga gamit niya na nawawala,” sabi ni Sarmiento.


Bukod sa mga nakaw na gamit, nakita rin ang resibo mula sa isang sanglaan kung saan nakasulat ang pangalan ng 36-anyos na suspek na si alyas Michael. 

Napag-alaman namang nirentahan lang suspek ang kotse at nakita rin ang ilang mga plaka sa loob.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek na sa korte na lang umano magpapaliwanag.

ADVERTISEMENT

Ayon naman sa QCPD, dati na umanong may pinagnakawang kamag-anak ang suspek pero hindi ito kinasuhan. 

Desidido si Elmer na ituloy ang reklamong qualified theft laban sa suspek.

Hindi naman na narekober ang isa sa mga gold bracelet ng biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.