14-anyos na binatilyo patay matapos magulungan ng trak sa Pasig City | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

14-anyos na binatilyo patay matapos magulungan ng trak sa Pasig City

14-anyos na binatilyo patay matapos magulungan ng trak sa Pasig City

Bea Cuadra,

ABS-CBN News

Clipboard

14-anyos na binatilyo patay matapos magulungan ng trak sa Pasig City
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Patay ang isang 14-anyos na binatilyo matapos magulungan ng trailer truck sa kahabaan ng Elizco Road sa Barangay Kalawaan, Pasig City, pasado alas tres ng madaling araw nitong Martes, ika-8 ng Abril, 2025.
 
Ayon sa driver ng truck, hindi niya napansin ang biktima dahil sa likod ito ng kanyang truck sumampa.

“Nagtatraffic kasi 'yun sila… Di ko ano na umakyat sila sa likod. Nagsiakyatan. Naano siya sa gulong ko natalisod… Di ko talaga makikita 'yun nasa likod eh,” kwento ng truck driver.
 
Kwento pa ng ilang taga-barangay, nakasanayan nang mag-traffic ng mga kabataan sa lugar.
 
Humingi naman ng dispensa ang driver ng truck sa pamilya ng biktima.
 
“Pasensya na hindi ko talaga kagustuhan 'yun… Hindi ko akalain na ganun. Akala ko nahulog lang, 'yun pala nagulungan na,” sabi ng truck driver.
 
Nasa kustodiya na ng Vehicle Traffic Investigation Unit ng Pasig City Police ang driver ng truck na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.