Pagawaan ng yelo sa Tondo, nadiskubreng nag-iimbak ng expired na karne | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagawaan ng yelo sa Tondo, nadiskubreng nag-iimbak ng expired na karne

Pagawaan ng yelo sa Tondo, nadiskubreng nag-iimbak ng expired na karne

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA— Sinalakay ng NBI-Criminal Investigation Division (NBI-CRID) ang isang pagawaan ng yelo sa Tondo, Maynila na nadiskubreng nag-iimbak umano ng mga expired na karne.

Tumambad sa mga operatiba ang sako-sakong frozen meat na may tatak na mga Chinese character.

“They are selling tube ice pero deep within pala, nagbebenta pala sila ng karne of different origin. Mostly China tapos tinatago nila sa sakong puti para hindi na mahalata na karne ang laman,” ayon kay Noel Bocaling, Assistant Director for Intelligence Service ng NBI.

Tinatayang aabot sa P15 milyon ang halaga ng mga nasamsam na karne na napag-alamang ibinebenta sa malalaking restaurant.

ADVERTISEMENT

Napag-alaman ding noon pang 2018 napaso ang mga permit ng naturang planta.

“Nakakatakot in the sense na kung mapapansin niyo, kakainin ‘yan, natatago lang sa seasoning pero hindi alam 2-3 taon na hindi pa naisasalya mula sa pagka-storage niya,” sabi ni Bocaling.




Ayon sa National Meat Inspection Service (NMIS), hindi na ito ligtas kainin.

Naaresto ang mga Pinoy na trabahador at isang Chinese national na nagpakilalang manager ng kumpanya.

Tumanggi na silang magbigay ng pahayag.

“Maging mapili dun sa mga restaurants na kinakainan ninyo nito. ‘Yung molecular content nung pagkain. NMIS certificate ang kailangan,” paalala ni Bocaling.

Nasa kustodiya na ng NBI ang mga suspek habang pinag-aaralan ang mga posibleng ikakaso laban sa kanila.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.