Mag-asawa at 2 batang anak nasawi sa sunog sa Las Piñas | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mag-asawa at 2 batang anak nasawi sa sunog sa Las Piñas

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Patay ang mag-asawa at dalawa nilang anak matapos masunog ang kanilang bahay sa Bernabe Compound, Barangay Pulang Lupa Uno, Las Piñas City mag-a-alas-2 ng madaling araw ng ika-7 ng Abril.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, natagpuan sa ikalawang palapag ng nasunog na bahay ang mag-asawang 38 anyos at 35 anyos kasama ang kanilang dalawang babaeng anak na edad labing pitong taon at tatlong taon gulang
"Kung mapapansin po natin sa labas po, makikita na konkreto naman ang bahay ng pamilya. Pero meron po itong mezzanine (gawa sa kahoy). Iyong mag-iina doon po natutulog. Bumagsak po iyong mezzanine sa second floor. Magkakasama po iyong mag-iina," ayon kay Fire Superintendent Josephus Alburo, City Fire Marshal ng Las Piñas City Fire Station.
Kuwento naman ng kapatid ng biktimang nasawi sa sunog, galing ang kanyang kuya sa isang selebrasyon sa labas lang ng kanilang bahay.
Nang malaman ang sunog, tinangka nitong iligtas ang kanyang mag-iina, pero sa kasamaang palad, nadamay din siya sa naglagablab na apoy sa kusina.
"Noong natutulog ako, nagulat ako iyong ermat (nanay) ko ginising ako na may sunog daw. Pagtingin ko malaki na iyong sunog. Ngayon, kumuha ako ng tubig para apulahin sana pero hindi na kaya. Gusto kong pumasok pero meron isang tao hinatak ako pababa," saad ni Genaro Lucero, kapatid ng nasawi.
"Iyong kuya ko biglang lumusot sa likod namin, biglang pumasok sa nagbabagang apoy. Wala na. sumigaw na lang ako ng kuya. Di ko na nagawa na awatin siya," dagdag niya.
Ayon pa sa BFP-Las Piñas City, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay.
Itinaas ito sa unang alarma kung saan higit limang fire truck ng BFP ang rumesponde.
Alas-2:37 naman ng umaga nang ideklara itong fire out.
Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog, pero hindi inaalis ng mga awtoridad ang posibilidad na dahil sa overheating at faulty wiring kaya sumiklab ang apoy.

ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT