Jail officer sugatan sa pananambang; 6 suspek, arestado | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jail officer sugatan sa pananambang; 6 suspek, arestado

Sugatan ang isang jail officer matapos tambangan ng isang grupo ang sinasakyan niyang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) van sa Cavitex, Lunes ng tanghali.

Ayon kay Police Colonel Melvin Montante, hepe ng Parañaque Police, galing sa Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 235 ang BJMP van sakay ang isang Chinese inmate na may kinakaharap na kasong carnapping sa lungsod.

Pabalik na dapat sila sa Parañaque City Jail nang harangin sila ng dalawang sasakyan sa may Cavitex.

"Based on the information provided to us ng Paranaque BJMP, itong PDL nila from Paranaque City Jail ay dinala nila sa Makati, that morning, kasi may inaattendan na court hearing. From there pabalik sana sila sa City jail, 12:20pm, doon sila hinarangan ng 2 motor vehicle," sabi ni Montante.

ADVERTISEMENT
Nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng apat na BJMP officers na sakay ng van. Agad isinugod sa ospital ang isa sa mga jail officer matapos siyang tamaan sa kanyang kanang balikat.

Nakatakas naman ang isa sa mga sasakyan na humarang sa kanila.

Sinubukan namang tumakas din ng isa pang sasakyan pero bumangga ito sa isang puno malapit sa Parañaque Wetland Park.

"Our operation conducted 12:20 right after the call from 911 central and after 2-3 minutes there was a call also from BJMP Paranaque, saying there was a shooting incident [that] transpired dito bandang after ng paglagpas ng toll gate sa Cavitex," sabi ni Montante.

"Ang inabot namin doon sa area is yung sasakyan ng BJMP na may tama, at yung Mitsubishi Expander," dagdag niya.
"Ang inabot namin doon sa area is yung sasakyan ng BJMP na may tama, at yung Mitsubishi Expander," dagdag niya.
ADVERTISEMENT
Doon naaresto ng mga operatiba ng Parañaque police ang 2 Chinese at 4 na Pilipinong sakay ng sasakyan, na nahuli nilang tangkang tumatakas sa bahagi ng Laguna de Bay.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na hinarang ng mga suspek ang sasakyan ng BJMP sa tangkang pagkuha o pagtakas sa Chinese inmate na sakay nito.

Napag-alaman din na kagrupo ng mga naarestong Chinese ang inmate. Pawang mga miyembro sila umano ng isang criminal group na sangkot sa serye ng mga kidnapping, carnapping, gun running at iba pa.

"The purpose of this extrication, para irescue nila itong suspek as their boss. Then the 4 Filipinos, nagamit lang and they will pay P25,000 each after," sabi ni Montante.

"He [inmate] is a Chinese national, involved in a series of activity, particularly, kidnapping, extortion, carnapping, gun running. Last 2022 ay kidnapping, 2023 ay carnapping naman, same sa Makati, kaya may hearing siya kanina, that transpired last year, involved siya sa road rage," sabi ni Montante.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga Chinese suspek at iginiit na hindi sila nakakaintindi ng Ingles.

Aminado naman ang isa sa mga Pilipinong suspek hinggil sa nagawa nilang krimen.

"Mag-aabang lang daw po kami sa likod lahat tapos sila [Chinese] daw ang kukuha sa boss nila," sabi ng isa sa mga suspek.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang tatlo pa sa mga suspek na pawang mga magpi-pinsan.

Sinusubukan pang hingan ng pahayag ng ABS-CBN News ang BJMP hinggil sa insidente.
Sinusubukan pang hingan ng pahayag ng ABS-CBN News ang BJMP hinggil sa insidente.
ADVERTISEMENT
Nakakulong na sa Parañaque City Police ang mga suspek na mahaharap sa patong patong na kasong frustrated and attempted murder, RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition, paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Omnibus Election Code.