FACT CHECK: Hindi ibinasura ng Korte Suprema ang impeachment case laban kay Sara Duterte | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Hindi ibinasura ng Korte Suprema ang impeachment case laban kay Sara Duterte

FACT CHECK: Hindi ibinasura ng Korte Suprema ang impeachment case laban kay Sara Duterte

Eliseo Ruel Rioja,

ABS-CBN Research and Verification Unit

 | 

Updated Apr 25, 2025 03:07 PM PHT

Clipboard

Nakabinbin pa rin sa Senado ang impeachment charges laban kay Bise Presidente Sara Duterte, taliwas sa ipinalalabas ng isang post na diumano’y ibinasura na ang mga ito ng Korte Suprema.

Ginamit ng post ang bahagi ng programang “Sa Ganang Mamamayan” ng Net 25 noong Marso 25, 2025. Nilapatan ang ulat ng tekstong “Ibinabasura na ang inihaing Impeachment” at ng larawan ng bise presidente.

Pero ang report ng naturang media company ay hindi tungkol kay Duterte kundi tungkol sa pagbasura sa impeachment case laban kay South Korean Prime Minister at acting President Han Duck-soo noong Marso 24, 2025.

Sa orihinal na bidyo ng Net 25, nagsimulang banggitin ng host ang sinasabi niyang “kalalabas lamang na desisyon” sa 3:25 mark, pero naklaro lamang na ito ay tungkol sa impeachment laban kay Han sa 6:58 mark. Mahigit tatlong minutong nag-usap ang dalawang hosts tungkol sa detalye ng ibinasurang impeachment case ni Han pero hindi sinasabi kung sino ang sangkot dito.

ADVERTISEMENT

Sinabi pa nila noong una na “Korte Suprema” ang umano’y nagbasura sa impeachment pero ang Constitutional Court ng South Korea, hindi ang kanilang Korte Suprema, ang nagbasura sa naturang kaso ni Han.

IMPEACHMENT TRIAL NI VP DUTERTE

In-impeach ng House of Representatives si Duterte noong Pebrero 5, 2025, sa kaparehong araw na pansamantalang inihinto ang sesyon ng Senado na magsisilbing impeachment court. Dahil dito, walang impeachment trial na magaganap hanggang Hunyo 2.

Noong Pebrero 18, naghain si Duterte ng petisyon sa Korte Suprema para ipatigil ang kanyang impeachment trial ngunit wala pang desisyon ang Korte tungkol dito.

Noong Abril 6 ay nakabalik na sa Pilipinas si Duterte galing sa the Netherlands kung saan nakadetine ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nahaharap sa kasong crimes against humanity.

POLITICAL CRISIS SA SOUTH KOREA

In-impeach naman ng South Korean parliament si acting President Han noong Disyembre 27, 2024 dahil sa umano’y papel niya sa pagdedeklara ni dating Pangulong Yoon Suk Yeol ng martial law.

Si Han ang humalili kay Yoon na na-impeach at tuluyang napatalsik sa pagka-pangulo dahil sa pagdedeklara niya ng martial law noong Disyembre 3, 2024.

Samantala, dahil ibinasura ng Constitutional Court ang impeachment laban kay Han, magpapatuloy siya bilang acting president hanggang sa may maihalal na bagong pangulo ang bansa.

 

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X account @abscbnfactcheck.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.