Babae timbog matapos bumalik sa pinagnakawang mall sa San Juan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babae timbog matapos bumalik sa pinagnakawang mall sa San Juan

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Arestado ang isang babae noong Biyernes (Abril 4) matapos itong bumalik sa mall sa San Juan na umano'y dati na niyang napagnakawan.

Noong Marso 19, huli sa CCTV ang pagtangay ng isang babae sa dalawang mamahaling cellphone sa isang stall sa mall sa San Juan. Makalipas ang mahigit dalawang linggo, bumalik ito sa nasabing mall.

Ayon sa biktima na may-ari ng gadget shop, nanghingi ng ballpen at papel ang suspek para ilista ang presyo ng mga balak bilhing cellphone.

Habang abala sa paghahanap ng papel at ballpen, dito na kinuha ng babae ang cellphone.
Habang abala sa paghahanap ng papel at ballpen, dito na kinuha ng babae ang cellphone.
ADVERTISEMENT
"Ang bilis po nung kamay niya eh, tapos tinago niya po sa dala niya. [Na-timingan] po niya na umalis na 'yung pinsan ko. Magsasara na po kasi ako noon," sabi ng biktima.

Dali-daling umalis ang kawatan matapos matangay ang dalawang unit ng cellphone. Nang bilangin ng biktima ang mga cellphone sa kaniyang shop bago tuluyang magsara, kulang na ito.

Dito na naghinala ang biktima at agad hinabol ang babae, pero tuluyan itong nakatakas.

"Hindi ko po kasi makalimutan 'yung mukha niya kasi 'yung nagnakaw po siya napapanaginipan ko 'yung itsura nya. Naii-stress kasi ako. Tapos lagi kong hinihiling na bumalik siya," ayon sa biktima.

Makalipas ang mahigit dalawang linggo, bumalik ang suspek sa ibang gadget shop sa parehong mall pero namukhaan na siya ng ibang vendor. Agad nila itong ipinagbigay-alam sa biktima para mapuntahan niya.

"Nakita ko siya. Siya nga talaga. Nung una, hindi ko siya dinakip. Kunwari may hinahanap akong customer. Tapos tinanong niya ako sabi niya 'ako ba ay sinusundan mo? Ako 'yung sinusundan mo eh bakit mo ko sinusundan?' Lalabas na po siya sa exit eh. Hindi ako nakapigil nagsigaw po ako doon," sabi ng biktima.

Sa imbestigasyon ng Philippine National Police, hindi lang sa isang stall nagnakaw ang babae.

"Namukhaan po ng ibang vendors na the same person... siya rin po 'yung kumuha ng ibang gamit, mga items nila previously. Halimbawa po may isang nagsasabi na pinagnakawan po sila ng same person ng isang item po na amounting to P700,000. Hanggang ngayon po ini-invite namin lahat ng mga naging biktima to come out po to file charges po against the arrested person," ani P/Col. Deodennis Marmol, chief of police ng San Juan City Police Station.

Kasalukuyang hawak na ng San Juan City Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong theft.