5 kalaboso sa buy-bust sa Parañaque City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
5 kalaboso sa buy-bust sa Parañaque City

Lima ang arestado sa ikinasang buy-bust operation ng Parañaque City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) noong Linggo, Abril 6, bago mag-alas 10:00 ng gabi sa kahabaan ng M. Rodriguez Street sa Barangay La Huerta, Parañaque City.

Nasakote ng mga operatiba ng Parañaque City Police Ayon sa SDEU 54-anyos na lalaking naglalako ng isda kabilang ang isang 28-anyos na babae, 43-anyos na lalaking construction worker, 40-anyos na babaeng nagbebenta ng isda, at 51-anyos na babaeng tindera rin ng isda ang kanilang naaresto.

Ayon kay Police Captain Luis Gazzingan, ang Chief ng Station Drug Enforcement Unit ng Paranaque City Police, isang confidential informant ang nagsuplong sa ilegal na pagbebenta ng droga ng 54-anyos na suspek.

“Through his tips, ganun nga ang trabaho ng tao na ito wherein hindi natin akalain na ganun karami ang kanyang possession na nung inoperate po namin dito,” sabi ni Gazzingan.

Dagdag pa ni Gazzingan, “newly-identified” lamang ang 54-anyos na "high value individual" suspect at wala naman sa listahan ng pulisya.

“Pero ang trabaho po niya is isang minsan naglalako (ng isda) dun sa may area kung saan siya nahuli sa Barangay La Huerta. And then sa mga kasama po niya is ganun din po. Ang area kasi po na pinaghulihan sa kanya is kung saan eh busy ang mga tao dyan. Dyan yung daungan… Daungan ng mga isda kung ano-ano bang binibenta po dun,” kwento ni Gazzingan.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang pitong piraso ng plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na nasa 70 gramo at may standard drug price na P476,320.

May mga nakumpiska ring drug paraphernalia.

Nasa kustodiya na ng Parañaque City Police Station ang mga suspek. Ani Gazzingan, hindi na sila nagbigay ng pahayag sa nagawang krimen.

“Ang drugs, parang kinonsider nila yan na business. Yan kasi ang pinakamadaling kitaan. So, mostly, ang alibi ng mga yan is madali ang kita, madali ang pera, sa kahirapan, sa ganyan, at dagdag naman dun sa kinikita na kasalukuyan… Ngunit nga lang, nakukulangan. That's why siguro pinasok nila yung ganyang trabaho,” sabi ni Gazzingan.

Paalala naman ng PNP na agad dumulog sa mga awtoridad kung may kilala o makitang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

“Kung meron man tayong nakikita, nararamdaman o nasasagap na balita, lalong-lalo na sa mga iligal na gawain, huwag po mag-atubiling lumapit o itawag sa himpilan ng Paranaque,” ani Gazzingan.