Nagpanggap na pari at nagnakaw ng cellphone sa Maynila, huli sa CCTV | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nagpanggap na pari at nagnakaw ng cellphone sa Maynila, huli sa CCTV

MAYNILA — Nakunan ng CCTV ang pagtangay ng cellphone ng lalaki na nagpakilalang pari sa Barangay 344, Zone 35, Sta. Cruz, Manila noong March 30 ng hapon.

Ayon sa biktima, nagpanggap ang suspek na bibilhin ang kanyang cellphone na ibinebenta niya sa isang online marketplace.

Nakipagkita ang suspek sa isang outreach center sa tapat ng simbahan.

“Kuwento nung mga empleyado doon na meron daw 20 sacks na ido-donate siya… nakuha niya muna yung loob ng taga-doon. Akala ko naman totoong pari siya tapos… nakasuot pa siya ng barong,” aniya.

Sa kuha ng CCTV, makikitang nilapag ng biktima ang kanyang cellphone sa mesa habang nagsusulat ng kontrata. Pero hindi nila namalayan na kinuha at ibinulsa ng suspek ang cellphone saka umalis.

“Nung lumabas siya, tinanong ako ng isang empleyado doon na kilala ko ba daw ‘yun. Sabi ko hindi, sabi daw niya dito siya nago-office. Ayun nga, kinutuban na ako hanggang sa hinabol ko sa labas, hindi ko na naabutan po,” sabi ng biktima.

Agad siyang humingi ng tulong sa barangay.

“Nakikipagtulungan po kami sa pulis para mahanap po namin yung nagnakaw,” sabi ni Rolando Serrano, duty personnel ng Barangay 344.

Umaasa ang biktima na maibabalik ang kanyang cellphone na nagkakahalaga ng P74,000.
Umaasa ang biktima na maibabalik ang kanyang cellphone na nagkakahalaga ng P74,000.
ADVERTISEMENT
Aniya, ipanghahanda niya sana sa binyag ng kanyang pamangkin ang kikitahin sa pagbebenta ng cellphone.

Matapos niyang ibahagi ang kanyang karanasan sa social media, nadiskubre niyang may tatlo pang nabiktima ang suspek.

Muling nagpaalala ang barangay sa publiko na ingatan ang mga gamit at huwag basta-basta ipagkatiwala sa mga kausap online.