Lalaking nagpanggap umanong pasyente, nagnakaw ng cellphone sa dental clinic sa Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking nagpanggap umanong pasyente, nagnakaw ng cellphone sa dental clinic sa Maynila

Lalaking nagpanggap umanong pasyente, nagnakaw ng cellphone sa dental clinic sa Maynila

Kaxandra Salonga,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 06, 2025 10:22 AM PHT

Clipboard

MAYNILA — Sapul sa CCTV ang pagtangay ng cellphone ng lalaki na nagpanggap na pasyente sa isang dental clinic sa P. Noval Street, Sampaloc, Manila nitong Sabado, pasado alas-onse ng umaga.

Ayon sa may-ari ng clinic, sinabi ng suspek sa kanyang assistant na nais niyang magpa-appointment. Sinabi umano ng suspek na dati na siyang pasyente, kaya't inutusan ang assistant na hanapin na lang ang kanyang record.

Pero nagtaka ang assistant dahil iyon ang unang pagkakataon niyang makita ang lalaki, kaya’t binigyan na lamang niya ng appointment sheet.

“Nagsulat 'yung lalaki. Sobrang bilis lang ng pangyayari. Then sabi niya, kung pwede makahingi ng tubig. So since 'yung assistant ko naman po naawa siya since malakas ang ulan… pumunta na siya sa loob, kasi nasa loob po 'yung water dispenser namin,” aniya.

ADVERTISEMENT

Sa kuha ng CCTV, kitang hinablot ng lalaki ang cellphone na nakapatong sa mesa pagkaalis ng assistant.



“After po no'n pinapunta na namin 'yung isa naming assistant, which is 'yung may-ari po ng phone, sa barangay. Then siya po ang nag-report,” aniya.

Napag-alaman niyang may ibang dental clinic na nabiktima ang lalaki nang makabasa siya ng post na may kasamang video ng mukha ng suspek noong September 2024. Nang ipakita niya ito sa kanyang assistant, kinumpirma niyang iisa lamang ang suspek.

“Nakakatakot siya kasi normal lang sa clinic yung mga ganoong scenario na may pupunta ta’s mag-i-inquire is tinatanggap talaga namin… Traumatic samin na mag-open ng door, pag may nakita kaming tao sa labas, baka nakawan na naman (kami) or may masamang gawin,” sabi niya.


IBA PANG ULAT:




ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.