'Basag na basag ang ulo': 1 patay sa rambulan sa Malabon | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Basag na basag ang ulo': 1 patay sa rambulan sa Malabon

'Basag na basag ang ulo': 1 patay sa rambulan sa Malabon

Kaxandra Salonga,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang kanyang kaibigan matapos umano silang kuyugin ng pitong magkakaanak sa Barangay Maysilo, Malabon City nitong Biyernes ng madaling-araw.

Batay sa kuha ng CCTV, makikitang naglakad ang limang magkakaibigan papasok sa compound ng mga suspek. 

Ilang sandali pa, may nagbato umano ng bote at sinimulang bugbugin at paluin ng tubo ang magkakaibigan. 

Nakatakbo ang apat, ngunit naabutan at inipit umano sa gate ng mga suspek ang 22-anyos na si Cristan Dizon Sevilla.

ADVERTISEMENT

Namatay sa palo si Sevilla na "basag na basag ang ulo," ani PCapt. Roger Perez, Police Sub Station 3 commander ng Malabon police.

Nagtamo rin si Sevilla ng saksak sa katawan, dagdag ni Perez.

'ALITAN NAGSIMULA SA BIRUAN'

Nagsimula ang alitan sa biruan ng dalawang grupo, ayon kay Perez.

Pinag-ayos umano sila sa barangay ilang oras bago naganap ang insidente.

Kuwento ng suspek kay Perez, hinabol umano ng magkakaibigan ang isang kaanak nila at tumakbo papasok sa compound. Doon na aniya nagsimula ang rambulan.

ADVERTISEMENT

Pero ayon sa kapatid ng biktima, pinaniwala ang magkakaibigan na makikipag-ayos ang mga suspek kaya sumunod sila sa compound.

"'Yung pagpasok pa lang po, hindi na po siguro naisip ng mga bata na… na nagsisibunutan na sila (ng patalim). Wala naman maling galaw o sinabi 'yung mga pumasok para gawin nila ‘yun… wala namang atraso sa kanila ‘yun," aniya.

Dahil sa narinig na gulo, pumunta ang kuya ng biktima sa compound at natagpuang duguan ang katawan ni Sevilla. 

"Pinagkaitan nila ng buhay yung kapatid ko… iyang bunso po naming iyan ang nagpapaligaya ng bahay namin… mapagmahal po yan… sobrang sakit po," sabi ng kapatid ng biktima.

Itutuloy ng pamilya ng biktima ang pagsasampa ng kasong murder laban sa mga suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.