High-value drug suspect arestado sa Taguig City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

High-value drug suspect arestado sa Taguig City

Bea Cuadra,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Arestado ang 40-anyos na lalaki matapos mahulihan ng higit P300,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Taguig City.

Nangyari ang pag-aresto sa suspek sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police Station, pasado alas 10 ng gabi noong Huwbes, April 3, sa kahabaan ng General Luna Street sa Barangay Ususan, Taguig City. 

Ayon kay Police Capt. Jowel Golimlim, assistant chief PIO ng Taguig City Police, nasa listahan na ng drug watchlist ng Taguig City Police ang suspek. 

“May isang confidential informant na nag report po sa ating mga operatiba sa pagbebenta po [ng suspek] then nagsagawa po ng isang surveillance ang ating operatiba at positibo po naman na nakumpirma na nagbebenta itong ating suspect,” kwento ni PCapt. Golimlim. 

ADVERTISEMENT

Nakuha mula sa suspek ang limang plastic sachets at isang nakataling plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu kasama ang isang P1,000 ginamit bilang buy-bust money, apat na pirasong P1,000 ginamit bilang boodle money, at isang coin purse. 

Kinumpirma ni Golimlim na dati nang may kaso ang suspek na may kaugnayan din sa ilegal na droga noong 2018. 

Dagdag pa ni PCapt. Golimlim, hindi itinanggi ng suspek na pag-mamayari niya ang mga nakumpiska.

“Kaya nga po nagagawa niya ‘to, aminado naman po siya sa kanyang ginawa na pagtutulak ay upang may panggamit po siya o gastusin sa pang araw-araw,” sabi ni Golimlim.

Kasalukuyang naka-detene sa custodial facility ng Taguig City Police ang suspek na nahaharap sa reklamong paglabag sa section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Muling nagpaalala si PCapt. Golimlim na ang pagbebenta ng ilegal na droga ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas at may kaukulang parusa. 

“Lahat ng nagtutulak ng ilegal na droga ay huhulihin namin… Ang ilegal na droga lalo na sa ating mga kabataan ay nakakasama. Maganda po ay kung tayo’y may nalalaman o may mga kilala po tayo na nagtutulak po o ano pong ilegal na gawain ay ipagbigay alam niyo po agad sa aming police station,” ani Golimlim.


IBA PANG ULAT



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.