8 bahay sa Pasay City natupok sa sunog; perang pambili ng bahay ng tindera ng buko kasamang naging abo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

8 bahay sa Pasay City natupok sa sunog; perang pambili ng bahay ng tindera ng buko kasamang naging abo

8 bahay sa Pasay City natupok sa sunog; perang pambili ng bahay ng tindera ng buko kasamang naging abo

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Walong bahay ang natupok ng apoy sa sunog na sumiklab sa Delas Alas Street sa Barangay 57, Pasay City.

Napatakbo mula sa pagbebenta ng buko pabalik ng kanilang bahay si Remedios Abing ng sabihin ng kaniyang anak na nadadamay na sa sunog ang kanilang bahay na nagsimula bandang 10:30 ng umaga. 

Pero wala nang naisalba pa si Remedios dahil malaki na ang apoy ng dumating siya kanilang lugar.

Ang labis na ikinalungkot ni Remedios , ang kaniyang inipon na pera na 200,000 pesos para ipambili sana ng lupa bukas sa Bulacan naabo rin.

ADVERTISEMENT

“Syempre kapag matanda na kami hindi naman po habambuhay nagtitinda ka ng buko para pagtanda namin may sarili kaming bahay, may mauuwian kami “ sabi ni Remedios.

Para naman sa pag-aaral ng kaniyang anak na nasa kolehiyo ang P40,000 na naipon ni Jhonie Teofilo pero mga abo na lamang nito ang kaniyang natagpuan mula sa kaha na pinagtaguan.

“Pang tuition ng anak ko, pambayad sa school eh naubos, natupok ,inaabangan ko nga baka hindi nasunog  ,makasalba pa eh wala sunog na sunog talaga eh,” sabi ni Jhonie.

Bagama’t tanging ang mga suot lamang ang naisalba nina Remedios at Jhonie determinado silang bumangon mula sa trahedya.

May tatlo naman alagaang aso ang hindi nakaligtas sa sunog. Pasado alas dose ng tanghali nan ang maideklara ang fire out o makalipas ang higit dalawang oras.

Ayon sa BFP Pasay, sa second floor ng isang bahay nagsimula ang sunog matapos magliyab ang sinaksak na extension cord ng isang bata na para sana sa electric fan.

Labinlimang pamilya ang  nawalan ng tirahan.

Tinatayang nasa P450,000 ang halaga ng pinsala.

Read More:

Sunog

|

Pasay City

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.