2 lalaki kalaboso sa magkahiwalay na kasong acts of lasciviousness | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 lalaki kalaboso sa magkahiwalay na kasong acts of lasciviousness

2 lalaki kalaboso sa magkahiwalay na kasong acts of lasciviousness

Bea Cuadra,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Arestado ang dalawang lalaki na itinuturing na Most Wanted Persons ng Pasay City Police sa magkahiwalay na operasyong ikinasa ng mga awtoridad noong Miyerkules, April 2.

 Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong acts of lasciviousness, unang naaresto ng pulisya ang isang 20-anyos na lalaki sa kanyang tirahan sa Barangay 183 sa Villamor, Pasay City, alas 12:10 ng hapon.

Ayon kay Police Capt. Roque Villaruel Jr., ang chief ng Warrant and Subpoena Section ng Pasay City Police Station, Number 2 na most wanted person ang lalaki sa Garchitorena, Camarines Sur.

Mula Camarines Sur ay nagtago ang lalaki sa Barangay 183 kung saan siya naaresto.

ADVERTISEMENT

“Nakakuha kami ng information regarding sa kanya na siya po ay from Camarines Sur. Nagtago po siya dito sa Villamor sa Bgy .183 kung san po namin siya nahuli… Kaya wala kaming info…. kasi [sa] Bicol region (nangyari ang krimen) yan eh,” paliwanag ni Villaruel. 

Hindi inamin o itinanggi ng akusado ang krimen.

“He opted to remain silent, hindi po nagsalita eh,” sabi ni Villaruel.

Kasalukuyang nasa detention cell ng Pasay City Police Station ang akusado pero dadalhin din pabalik ng Camarines Sur para humarap sa kaso niya doon.

Sa bisa rin ng warrant of arrest ay sunod na naaresto ng mga pulis noong Miyerkules din ng hapon ang 49-anyos na lalaki sa kanya ring tirahan sa Barangay Baclaran, Parañaque City dahil din sa kasong acts of lasciviousness. 

ADVERTISEMENT

Kwento ni Villaruel, Number 3 na most wanted person sa station level sa Pasay City Police ang lalaki. 

Dagdag pa niya, sa tulong ng informant ay natunton nila ang akusado.

Ang biktima niya ay isang 11-anyos na bata.

“Nahuli namin dun sa address kung san siya nakatira sa Parañaque… Ayon dun sa information na nakuha namin, taga Pasay din po yung biktima niya,” sabi ni Villaruel.

Kasalukuyang nakakulong sa Pasay Bureau of Jail Management and Penology ang akusado. 

ADVERTISEMENT

Hindi nagbigay ng komento ang akusado sa paratang sa kanya.

Paalala ng PNP na agad makipag ugnayan sa pinakamalapit na police station kung may mga kahalintulad na krimen na nangyari para agad na matulungan ang mga biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.