Plantang nag-iimbak ng kemikal sa paggawa ng bomba, sinalakay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Plantang nag-iimbak ng kemikal sa paggawa ng bomba, sinalakay
BULACAN — Sinalakay ng NBI ang isang industrial plant sa Marilao, Bulacan na kahina-hinalang nag-iimbak ng mga kemikal na sangkap umano sa paggawa ng bomba.

Sa bisa ng search warrant, tumambad sa mga operatiba ang mga nakasalang pang tungsten, isang kemikal na karaniwang ginagamit sa paggawa ng mga bombilya, semi-conductors, at alloy.

Pero ang pulbos nito ay maaari umanong magliyab o sumabog.

“Basically ‘yung tungsten is pwedeng gamitin for military applications. Halimbawa ‘yung explosives, ‘yung coding para hindi siya ma-detect ng radar, at the same time ‘yung armor per se. Considering na urban hazardous material siya, it violates ‘yung FDA rules natin,” ayon kay Atty. Jeremy Lotoc, hepe ng NBI Special Task Force-Cybercrime Division (NBI STF-CCD)

“Ang daming tungsten, nitric acid na paggawa ng bomba. Nakakatakot ito baka mapunta sa kamay ng hindi dapat,” sabi ni NBI Director Jaime Santiago.

Nadiskubre din ang isang laboratoryo kung saan hinahalo ang mga kemikal at tanging mga Chinese lang ang puwedeng pumasok sa loob.

Higit 20 tonelada ng sodium tungstate ang narekober na nakahanda na para i-export umano sa mga bansang Tsina at Amerika.

“They’re registered to manufacture metal alloys. ‘Yung nakita nating chemicals, according to our chemist are industrially not related to the manufacturing business that they have,” sabi ni Atty. Lyka Conales, agent-on-case.

Napansin din ng NBI na walang mga suot na protective gear ang mga trabahador.
Napansin din ng NBI na walang mga suot na protective gear ang mga trabahador.
ADVERTISEMENT
“Sabi sakin kanina, pagka raw nagtatrabaho sila sa loob, t-shirt lang. And that is very dangerous. Hindi natin alam kung ano na epekto sa mga kababayan natin,” sabi ni Santiago.

Napag-alaman sa imbestigasyon na taong 2013 pa nag-o-operate ang planta na puro Chinese rin umano ang mga may-ari na ayon sa NBI ay labag sa batas.

Pansamantalang isinara ang naturang planta habang nasa kustodiya naman ng NBI ang mga Chinese at mga empleyadong Pinoy.

Inihahanda na rin nila ang mga posibleng kaso laban sa kanila.