Lalaking nanghalay umano ng 2 niyang stepdaughter at 4-anyos niyang anak, arestado | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking nanghalay umano ng 2 niyang stepdaughter at 4-anyos niyang anak, arestado

Lalaking nanghalay umano ng 2 niyang stepdaughter at 4-anyos niyang anak, arestado

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

BABALA: SEXUAL ABUSE


MAYNILA — Arestado ang isang lalaki nitong Lunes matapos ireklamo ng panghahalay sa dalawa niyang stepdaughter at sa 4 na taong gulang niyang anak sa San Pablo City, Laguna.

Base sa salaysay ng mga biktima, taong 2023 nagsimula ang pang-aabuso noong sila ay 17-anyos at 12-anyos pa lamang.

Naiwan sila sa poder ng kanilang amain dahil nagtatrabaho ang kanilang ina sa ibang bansa.

“Ayon sa mga bata, tinututukan sila ng patalim at sinasabi na papatayin ‘yung lola nila at nanay nila kaya hindi makakibo ‘yung mga bata,” ayon kay NBI Director Jaime Santiago.

ADVERTISEMENT



Ginawa pang sex slave ang isa sa mga biktima kung saan siya ginagahasa ng pitong beses sa isang buwan.

Napag-alaman din ng NBI na bukod sa mga dalagita, minomolestiya rin ng suspek ang sarili niyang 4-na-taong gulang na anak.

“Maliban sa sekswal na pang-aabuso ay kasama na rin ang physicial. Kung kaya’t atin pong minarapat na mag conduct ng isang rescue operation,” ayon kay Atty. Czar Eric Nuqui, agent-in-charge ng NBI-Cavite North District Office (NBI-CAVIDO).

Base sa imbestigasyon, walang trabaho ang suspek at gumagamit pa umano ito ng ilegal na droga.

Itinanggi naman ng suspek ang mga paratang laban sa kanya.

“Wala naman po akong pagsisisihan kasi wala naman po talaga ako ginawa e. Mahal na mahal ko po sobra [ang mga anak ko],” sabi ng suspek. 

Nahaharap siya sa mga reklamong paglabag sa Anti-Rape Law, paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, at paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.