P74.8-M hinihinalang shabu nasamsam sa buy bust operation sa Caloocan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P74.8-M hinihinalang shabu nasamsam sa buy bust operation sa Caloocan

P74.8-M hinihinalang shabu nasamsam sa buy bust operation sa Caloocan

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Arestado ang dalawang lalaki sa ikinasang drug buy bust operation ng pulisya sa Barangay Amparo, North Caloocan, Linggo ng gabi.

Ayon sa paunang ulat mula sa Northern Police District, isa itong joint operation na pinangunahan ng PNP- Drug Enforcement group.

May edad 26 at 25 ang mga suspek na nagbabagsak umano ng malakihang halaga ng droga sa Metro Manila at karatig probinsya.

Nakumpiska sa mga lalaki ang 11 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P74.8-million. Nakasilid ang mga ito sa mga pakete ng Chinese tea bags.

ADVERTISEMENT

Patuloy namang iniimbestigahan ng PNP kung sino ang supplier ng dalawa.

Nakakulong na sa Amparo sub-station 15 ang mga suspek na mahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.