Motorcycle rider sumemplang, nasagasaan ng bus sa Commonwealth | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Motorcycle rider sumemplang, nasagasaan ng bus sa Commonwealth

Pumailalim ang isang motorcycle rider sa isang pampasaherong bus matapos sumemplang sa kahabaan ng eastbound lane ng Commonwealth Avenue sa Quezon City pasado alas 10:00 ng gabi ngayong Lunes, April 28.

Kwento ng 44-anyos na driver ng bus, nakasunod siya sa lalaking naka-motorsiklo bago mangyari ang insidente.

“Habang tumatakbo po ako sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa tapat po ng Central, bigla pong nasemplang po 'yung motor na sinusundan ko po… Dahil po kargado po 'yung dala ko pong bus, namreno din po ako pero inabot pa rin po, napailalim 'yung tao kaya nasagasaan 'yung paa,” kwento ng driver ng bus.

Sa video, makikitang nasa ilalim pa ng bus ang biktima. Ayon sa pulisya, isinugod sa ospital ang biktima.
Sa video, makikitang nasa ilalim pa ng bus ang biktima. Ayon sa pulisya, isinugod sa ospital ang biktima.
ADVERTISEMENT
Depensa ng driver ng bus, hindi niya nasagi o natamaan ang motorsiklo ng biktima.

“Wala po talaga akong kasalanan dun sa nangyaring 'yun kasi 'yung motor, na semplang po,” sabi ng driver.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Quezon City Police District Traffic Sector 5 ang driver ng bus habang patuloy ang imbestigasyon.