Chinese na nagpapanggap na tauhan ng PAOCC, arestado sa pangingikil | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Chinese na nagpapanggap na tauhan ng PAOCC, arestado sa pangingikil

Chinese na nagpapanggap na tauhan ng PAOCC, arestado sa pangingikil

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

Nahuli ang suspect kasama ng dalawa pang Chinese sa ikinasang entrapment operation ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa Parañaque City. Courtesy: PAOCCNahuli ang suspect kasama ng dalawa pang Chinese sa ikinasang entrapment operation ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa Parañaque City. Courtesy: PAOCC

MAYNILA — Kalaboso ang isang Chinese national na nagpapanggap na tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission at nakapangikil sa kapwa Chinese kapalit ng paglaya umano ng isang nahuli sa raid sa Philippine Offshore Gaming Operator.

Nahuli ang target kasama ng dalawa pang Chinese sa ikinasang entrapment operation ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa Parañaque City.

Ayon kay Police Maj.Gen. Nicolas Torre III, hepe ng CIDG, nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng PAOCC tungkol sa gumagamit ng pangalan ng ahensya.

“May mga nagpapanggap na mga personalidad na nagsasabi na may connection sila sa PAOCC at kaya nila mag-facilitate ng release ng mga nahuli ng PAOCC,” sabi ni Torre.

ADVERTISEMENT

Dumulog din sa tanggapan ang dalawang Chinese na nagsumbong tungkol sa pangingikil ng suspek.

Tinakot pa umano sila na kung hindi magbibigay ng karagdagang bayad ay ito-torture at ipade-deport ang nahuling Chinese.

“Ang boyfriend niya ‘yung nakakulong sa temporary detention center namin dito sa Pasay at ang sabi nitong grupo nito, connected sila sa PAOCC at kaya nilang i-release ‘yung boyfriend nitong complainant,” ayon kay Undersecretary Gilberto Cruz, executive director ng PAOCC.

“Una, nakahingi na siya ng P1 million, and then humihingi pa ng additional P3.5 million. Kung hindi raw siya magbibigay ng P3.5 million, pabubugbog niya raw, papa-torture niya raw ‘yung boyfriend, tapos ipapa-aresto ‘yung babae, ‘yung complainant,” dagdag niya.

Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang suspek na nahaharap sa reklamong robbery-extortion.

Ayon kay Cruz, ito na ang pangatlong grupo na nahuli nilang nanloloko at sinisira ang imahe ng PAOCC.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.