3 Chinese arestado sa pagkulong ng kapwa Chinese sa isang scam hub | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 Chinese arestado sa pagkulong ng kapwa Chinese sa isang scam hub

MAYNILA – Inaresto ng National Bureau of Investigation ang tatlong Chinese national na sangkot sa ilegal na pagditene sa isang kapwa Chinese na sapilitan umanog pinagtrabaho sa isang scam hub sa Pasay City.

Ayon sa National Bureau of Investigation-Criminal Intelligence Division (NBI-CRID), dumulog sa kanilang tanggapan ang kaibigan ng Chinese na nakatakas mula sa nasabing scam hub.

“Detain in the sense na hindi siya nakakalabas doon dahil tinatakot siya. Hindi namin alam kung ilang araw na nakakulong,” sabi niNoel Bocaling, Assistant Director for Intelligence Service ng NBI.

Inakala pa ng mga operatiba na isang tulugan lamang ang lugar, ngunit nang salakayin nila ito, tumambad sa kanila ang mga computer at cellphone na posibleng ginagamit sa panloloko.

“Alam lang namin may ire-rescue kami. Nakabukas ‘yung mga computer kaya nagulat kami. Hindi office eh. Parang ‘yung mga lamesa lang nila. Makeshift na makeshift talaga. Ready lumipat anytime,” sabi ni Bocaling.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na may utang na P300,000 ang biktimang Chinese, kaya siya kinulong upang magtrabaho sa scam hub.

Ayon pa sa biktima, sinasaktan din umano siya ng mga suspek.

“Kasi gusto niya na rin umuwi sa China. Bayaran muna daw ‘yung P300,000 sa panloloko ng iba, pang-scam ng iba bago siya makaalis,” sabi ni Bocaling.

“Nung tinanong namin ‘yung mga subjects, hindi daw nila sinasaktan pero ‘yung victim said otherwise, sinasaktan siya.”

Itinanggi naman ng mga suspek ang mga paratang at sinabing malaya silang nakakalabas sa scam hub.

Sinampahan sila ng mga reklamong illegal detention at paglabag sa Anti-Financial Accounts Scamming Act.