Sasakyang hinahabol ng pulis, sumalpok sa center island sa Dasmariñas, Cavite | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sasakyang hinahabol ng pulis, sumalpok sa center island sa Dasmariñas, Cavite

MAYNILA -- Arestado ang 58-anyos na lalaking Chinese national sa Dasmariñas City, Cavite alas-11:30 ng gabi ng Linggo, April 20, nang takasan at makipaghabulan sa mga pulis sakay ng kanyang puting SUV.

Kuwento ni Renato, isa sa mga saksi sa insidente, nag-aabang lang siya ng online booking sa tapat ng isang fast food restaurant sa Dasmariñas City nang biglang dumaan sa kanilang harapan ang humaharurot na sasakyan.

"Mga past 10:30 pm siguro, nakatambay kami. Biglang may tumigil na sasakyan tapos hinarang ng mga pulis. Dumiretso papuntang Molino, Salawag, then mga ilang minuto siguro bumalik na lang siya bigla. Ayun, hinabol ng pulis hanggang dito tapos dito na bumangga. Hindi talaga tumigil iyong SUV," sabi ni Renato Cabatas.

Ayon sa salaysay ng Cavite Police Provincial Office, nagsimula ang panghahabol ng kanilang Mobile Patrol Unit nang mabangga ng nagmamaneho ng SUV ang isang pampasaherong jeep sa bahagi ng GMA, Cavite.

ADVERTISEMENT
Kita sa isang video ng bystander na umabot pa sa Barangay Paliparan III, Dasmariñas City ang tila pakikipagkarerahan ng SUV sa pulisya.

Higit pitong kilometro ang haba ng itinakbo ng suspek at pulisya hanggang sa mahuli ang suspek nang bumangga ito sa center island sa bahagi ng Molino-Paliparan Road.

"Hanggang sa makarating po doon sa Molino-Paliparan road, Dasmariñas. Pagdating po doon, meron na naman pong nabangga na isang Toyota Rush. Mag-a-attempt pa po ito na lumiko hanggang sa tumama na po itong sasakyan sa center island. Doon na nga nasukol ng ating kapulisan ng MPU," saad ni Police Captain Michelle Bastawang, Hepe ng Cavite Police Provincial Office - Public Information Office.

Sa imbestigasyon ng Dasmariñas City Police, nakainom ang driver nang arestuhin ng mga pulis.

Iligal din umanong minamaneho ng Chinese national na suspek ang puting SUV.
Iligal din umanong minamaneho ng Chinese national na suspek ang puting SUV.
ADVERTISEMENT
Inaalam pa ng pulisya kung bakit wasak na ang kaliwang harapan ng gulong ng SUV bago pa man ito bumangga sa center island.

"Sa imbestigasyon po ng Dasmariñas PNP, wala po itong driver's license. Passport lamang po ang kanyang iprinesent at iyong kanyang ginagamit na SUV ay sa kamag-anak niya," dagdag ni Bastawang.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente.

Nangako rin ang Chinese national na suspek na sasagutin niya ang pagpapaaayos sa mga nasirang sasakyan at ari-arian.

Nasa kustodiya ngayon ng Dasmariñas City Police ang suspek at mahaharap sa reklamong Reckless Imprudence Resulting to Damage to Properties at paglabag sa RA 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving law.