Residential-commercial gusali sa Maynila, nasunog; 1 sugatan

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Residential-commercial gusali sa Maynila, nasunog; 1 sugatan

Jessie Cruzat,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Nasunog ang isang residential-commercial na gusali sa Bambang Street cor Kalimbas Street sa Barangay 317, Sta. Cruz, Maynila pasado alas-11 ng umaga nitong Linggo, Abril 20.

Itinaas ang sunog sa ikalawang alarma kung saan nasa 20 truck ng bumbero ang rumesponde.

Ayon sa Manila Fire District, posibleng nagsimula ang apoy sa isang kainan sa ibaba ng gusali.

“Kung makikita po natin ‘yong kalsada is malawak. Tinaas po natin ng second alarm kasi ito ay residential-commercial kaya ‘yong mga responder po natin ay mabilis. Nakatulong din po ‘yong kalsada,” saad ni FSInsp. Cesar Babante, Station 5 Commander ng Manila Fire District.

ADVERTISEMENT

Kuwento ng panaderong si Raffy Turion, mabilis na kumalat ang apoy mula sa unang palapag ng gusali.

“Gumagawa lang kami ng tinapay sa loob tapos biglang nagsabi na sunog daw. Tapos ang lakas na ng apoy, wala pang sampung minuto, sobrang lakas na ng apoy… Pito kami. Nakalabas naman kami lahat,” saad ni Turion.

Naabo rin ang lahat ng gamit ng isa sa mga nagungupahan sa establisyemento na si Lara Mae Pascual na kararating lang mula sa bakasyon sa Infanta, Quezon.

“Nakita ko ‘yong bakery na ito na mismo ‘yong nasunog. Nagmadali kami, ito na ‘yong naabutan namin. Nakaka-(lungkot) lang kasi lahat ng pinaghirapan ko nandiyan… Lahat po ng gamit ko andun, lahat ng damit ko, lahat talaga. Ang dala ko lang talaga is ‘yong damit ko sa outing,” saad ni Pascual.

Idineklara ang fire out ng alas-11:58 ng umaga.

ADVERTISEMENT

Isang 37-anyos na lalaki ang nasugatan sa insidente na agad isinugod sa ospital.

Aabot sa P1.2 milyon ang inisyal na halaga ng pinsala ng sunog, ayon sa Manila Fire District.

Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang pinagmulan ng apoy.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.