'Tao Po' : Superviolet na mundo ni nanay Marilyn | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Tao Po' : Superviolet na mundo ni nanay Marilyn

ABS-CBN News
Published Apr 03, 2025 12:13 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Kahit saan man lumingon, napalilibutan ng kulay lila ang paligid ni Marilyn De Guia mula sa mga kasuotan, mga dekorasyon at gamit sa loob ng tahanan, maging sa mga pagkain na kaniyang inihahanda.

“Inunti-unti ko muna, ‘yung ayan sa bahay, sa mga kurtina. Tapos sa mga gamit. Ang pinakahuli kong violet, ‘yung buhok. Talagang nag-violet na ako ng buhok,” paliwanag niya.

Dahil dito, nahawa na rin ang kaniyang mga anak sa pag-express ng kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga kulay.

Kuwento ni Marilyn, “Yung bunso ko dito sa kuwarto, ibang kulay niya, white. Tapos ‘yung panganay ko… lahat ng tira namin, ‘yun ang kulay niya. Tapos yung anak kong pangalawa, ‘yun ang kulay green.”

Naging inspirasyon niya ang noo’y officemate mula sa Philippine National Railway na unang nangongolekta ng mga bagay na kulay lila.

Para kay Marilyn, matinding good vibes ang hatid sa kaniya ng kulay lila. Kung kaya’t naisipan niya ring pasukin ang mundo ng vlogging upang maipakita ito sa iba.

Para sa kaniya, ang lila ay nagsisilbing simbolo ng kasiyahan.

“Napakasaya ko ‘pag nakikita ko ‘yung violet. Kahit saan ako pumunta… halimbawa namamasyal ako, nakita ko ‘yung violet, parang nangingiti ako,” ibinahagi niya.

Bukod sa kakaibang libangan, hilig din ni nanay Marilyn ang pag-aalaga ng rescued animals at pagzu-zumba na nagbibigay din sa kaniya ng matinding kasiyahan.

Ulat ni Bernadette Sembrano para sa programang Tao Po. (January 12, 2025)

Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito.