Lalaki huli sa aktong tangkang manghalay ng menor de edad sa Maynila | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki huli sa aktong tangkang manghalay ng menor de edad sa Maynila

Lalaki huli sa aktong tangkang manghalay ng menor de edad sa Maynila

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Arestado ang isang 22-anyos na lalaki matapos umanong mahuli sa aktong tangkang halayin ang menor de edad na kapatid ng kanyang kinakasama sa Tondo, Maynila.

Ayon sa paunang ulat mula sa Delpan Police Station, natutulog ang 15-anyos na biktima nang lapitan ng suspek at hawakan ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

Agad namang pumasok ang lalaking kapatid ng biktima at nakita ang ginagawa ng suspek kaya nagkaroon ng komosyon.

Sa tulong ng mga taga-barangay ay naaresto ang suspek at dinala sa police station.

ADVERTISEMENT

Nang tanungin naman ang suspek hinggil sa paratang laban sa kanya, "No comment po ako," sabi niya.

Nakakulong na sa Delpan Police Station ang lalaki na nahaharap sa reklamong paglabag sa R.A. 8353 o Anti- Rape Law of 1997.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.