Bahay na may lolang bedridden nilooban ng kawatan, halos P40K na mga gadget natangay | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bahay na may lolang bedridden nilooban ng kawatan, halos P40K na mga gadget natangay

Bahay na may lolang bedridden nilooban ng kawatan, halos P40K na mga gadget natangay

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

Bahay na may lolang bedridden nilooban ng kawatan, halos P40K na mga gadget natangay
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sapul sa CCTV ang panloloob ng lalaki sa isang bahay sa Barangay Santo Niño, Marikina City nitong Linggo ng madaling araw, ika-30 ng Marso, 2025. Natangay ng kawatan ang dalawang cellphone at isang tablet.

Ayon kay Kyle Adamos, kapatid ng may-ari ng mga ninakaw na gadget, mag-a-alas singko ng madaling araw noong Linggo nangyari ang panloloob ng kawatan.

"Napansin nung bunso namin nung kinapa niya 'yung tablet niya at cellphone sa usual niyang pinaglalagyan sa ilalim ng bed ni mama, nakapa niya na wala roon. Sabi namin baka may pumasok kasi napansin din namin na pagbaba namin nung alas 5 ay bahagyang nakabukas na 'yung pinto namin ganundin bukas na bukas 'yung gate. Hindi naman usual 'yun," sabi ni Adamos.

Nakumpirma nilang nalooban na sila matapos i-review ang CCTV footage ng homeowners association sa lugar.

"Pagkita namin mayroon ngang naka-pulang jacket na pumasok doon sa bahay namin tapos nakita nga namin nakaipit 'yung tablet sa bandang tiyan tapos hawak niya sa kaliwa niya 'yung cellphone na kinuha," pahayag ni Adamos.

Halos P40,000 ang kabuuang halaga ng mga nanakaw na mga gadget, na hindi pa tapos bayaran.

Labis ang pagkadismaya ni Kyle dahil sa ilalim mismo ng kama kung saan nakaratay ang kaniyang nanay na may brain tumor kinuha ng kawatan ang mga gadget.

"Nakakabahala kasi 'di ba may sakit 'yung tao hindi man lang siya nahabag na ganoon na 'yung katayuan nung aming nanay pero nakuha pa rin na gumawa ng masama. Buti na lang din siguro blessing in disguise hindi siya nagising kasi siguro kung nagising 'yun pag nagpang-abot sila baka iba na 'yung nangyari," sabi ni Adamos.

Agad namang nai-report sa barangay ang insidente. Kinumpirma nila na hindi residente ng lugar ang lalaking nakita sa CCTV.

"Ang ginawa namin is nag-conduct kami ng review ng CCTV baka sakali mai-spottan namin or makilala namin, identify ba, kung sino 'yung nanloob doon sa area. Since nasa loob siya hindi namin natukoy. Since mayroon din namang CCTV galing sa LGU na nakatulong kaya nakuha 'yung footage kung sino 'yung nanloob doon sa area. Naka-bike nga siya at naka-red na t-shirt," sabi ni Kristine Esparas, Barangay Peace and Order head.

May tinitingnan ng person of interest ang pulisya habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.