Sunog sa pabrika sa Valenzuela City, mahigit 15 oras na inapula | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sa pabrika sa Valenzuela City, mahigit 15 oras na inapula

Kaxandra Salonga,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 19, 2025 08:56 AM PHT

Clipboard

MAYNILA (UPDATED) — Mahigit 15 oras na inapula ng Bureau of Fire Protection ang sunog na tumupok sa isang pabrika sa Barangay Veinte Reales sa Valenzuela City bago idineklara ang fire under control pasado alas 8 ng umaga nitong Sabado. 

Nagsimula ito bandang alas singko ng hapon nitong Biyernes at itinaas sa Task Force Alpha ng 7:50 p.m., na nirespondehan ng 33 firetrucks.

Nang makatanggap si Jem Oranga ng tawag mula sa kanyang nanay tungkol sa sunog, agad siyang tumungo sa kanilang bahay na katabi ng pabrika para ilikas ang mga gamit.

“Umabot na po siya sa pader po namin tapos inabot na rin po yung yero namin… hanggang sa… napunta po sa kanila (pabrika) yung direksyon ng apoy,” sabi ni Oranga.

ADVERTISEMENT

 Dagdag niya: “Tinulungan namin yung mga firefighters kung ano man ang kailangan na maibigay sa kanila at binigyan namin sila ng access dito sa bahay.”

Walang naiuulat na sugatan at nasawi sa insidente.

Ayon sa barangay, ang pabrika ay gumagawa ng mga produktong plastik gaya ng sachet ng shampoo, kaya nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy.

 Kwento rin ng ilang trabahador na nagsimula umano ang sunog sa isang bodega na imbakan ng mga scrap materials.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang halaga ng pinsala ng sunog.  with a report from Izzy Lee, ABS-CBN News

 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.