Lalaki sa Pasay, balik-kulungan dahil umano sa droga | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki sa Pasay, balik-kulungan dahil umano sa droga

MAYNILA - Natunton at inaresto ng mga operatiba ng Pasay City Police Station ang 45-anyos na lalaking kasama sa top 10 most wanted sa Barangay 173, Malibay, Pasay City, alas 9:20 ng umaga noong Huwebes, April 17.

Sa isinagawang manhunt operation o “Oplan Galugad” ng mga operatiba ng Pasay City Police ay sinilbihan ang akusado ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa section 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Police Captain Roque Villaruel, ang Chief ng Warrant and Subpoena Section ng Pasay City Police, paulit-ulit nang nahuli ang akusado sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

“Makailang beses na din 'yang labas masok sa kulungan sa parehong kaso niya… Siya kasi ay sentensyado sa kaso niya na drugs,” sabi ni Villaruel.

Sabi pa ni Villaruel, umamin ang akusado sa nagawang krimen.

“Ayon po dun sa nakuha naming information, ito po ay kilalang nag ru-runner-runner dun sa lugar nila sa Malibay… Kaya po siya may dala-dalang droga talaga,” aniya.

“Nagtago nga 'yan eh after ho niya hindi umattend ng hearing,” dagdag pa niya.

Kasalukuyang nakakulong sa detention facility ng Pasay City Police Station ang akusado.

Ipinaalaala ng pulisya sa mga mamamayan na ang paggamit ng ilegal na droga ay mayroong masamang epekto sa tao lalo na sa kalusugan pati sa pamilya at ito rin ay labag sa batas.

“So, may mabigat po na parusa so mas maganda do not deal with drugs,” sabi ni Villaruel.